Orchid Lois dot Com

October 9, 2008

The End of Dyesebel, Congrats Marian and Dingdong

I read from the web that the latest tv series show project (huh) of Marian Rivera and Dingdong Dantes, Dyesebel, will come to an end this coming October 17, 2008.

Too bad I will not be able to see the ending (or even the episodes airing now) since I am here in Vancouver, Canada. I could try and watch it on Utube, but I’m afraid that GMA 7 will be hunting down those yutube users to put them down. So much for dowloading video of Dyesebel huh?

Here’s what I read from PEP:

DYESEBEL COMES TO AN END. “Pagka-miss at excitement” ang magkahalong nararamdaman ni Dingdong sa pagtatapos ng Dyesebel sa October 17.

“Ngayon pa lang, nakaka-miss na kasi noong ending, exciting na lahat ng nangyayari. So, naging very active ang character ng lahat ng tao. Like ngayon, may mga eksenang ganito, di ba? So, ito ang mga things na mami-miss ko, like yung pagte-taping namin sa Palawan kung saan una naming kinuhanan ang mga underwater scenes,” saad ni Dingdong.

Wish niya ba na sana ay nakabalik sila sa Palawan?

“Oo, kaso wala nang oras, e.”

Anong meron sa Palawan at isa yun sa mga gusto sana niyang balikan?

“Maraming magagandang memories. At saka doon talaga ang Dyesebel. Kapag sinabi mong Dyesebel show, Palawan talaga yung papasok sa isip mo,” sabi niya.

May “nabuo” ba sa Palawan?

“Oo, e, six months of a good show or more pa yata… Hindi ko na alam,” sagot ni Dingdong.

Obviously, may gustong tumbukin ang mga press people kay Dingdong na hindi madire-diretsong itanong sa kanya. Naglalaro lahat sa six months na sinabi niyang itinagal ng Dyesebel, may nagtanong, six months na pala sila na love team ni Marian?

“Ah hindi, hindi lang six months yung love team,” nangingiting pahayag naman ng matinee idol.

Hindi naman daw nila nami-miss ni Marian ang isa’t isa dahil may mga projects pa silang gagawin na magkasama. Nandiyan pa ang pelikula nilang One True Love under GMA Films and Regal Entertainment at ang next soap nila sa GMA-7, ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang

“Yeah, oo, siyempre yung movie pagbalik. Mag-e-every day shoot kami. ‘’Tapos yung soap nga namin na susunod.”

Comments

  1. yssay says:

    I hope sila na nga! Wait ko movie nyo “One True Love. Good Luck and more blessings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *