Orchid Lois dot Com

March 14, 2011

Sarah Geronimo prefers not to compete with Angeline Quinto

Unang naglaban sina Sarah Geronimo at Angeline Quinto way back in 2002 nang pareho silang sumali sa isang prestigious singing competition at kung saan si Sarah ang nanalo. Pero last week sa ASAP Rocks, March 6, ay muling nagsama ang dalawa sa stage para sa isang duet.

Tuloy, lumikha ng isyu at ikinumpara kung sino ang mas magaling sa dalawa. May mga isyu pa ngang threatened daw si Sarah kay Angeline na siyang nanalo sa Star Power just recently. “Masama ‘yung iniisip na may threat. Hindi maganda ‘yung ganung ugali,” bungad ni Sarah sa panayam ng The Buzz.

Dagdag pa ni Sarah, masaya siya para kay Angeline na sa kanyang mga panayam ay inamin na ilang beses nang natatalo sa mga competitions. “Sabi ko nga sa kanya sa wakas talaga. Lalo na ‘yung narinig ko ‘yung nangyari. Masakit sa akin na marining kung ‘yun ang nangyari at itong pagkapanalo ay sobra akong natutuwa,” kuwento ni Sarah tungkol kay Angeline.

Hindi rin itinanggi ni Sarah na kinabahan siya sa duet nila ni Angeline sa ASAP Rocks nung nakaraang linggo. “’Yung duet namin nanginginig ‘yung tuhod ko, hindi naman kasi kami dapat kabahan pero alam mo naman laging ganun, laging pinagso-showdown, contest ulit. Sana hindi na ganun sa susunod na production number namin together para magawa namin maayos,” pakiusap ng Pop Princess.

Alam din niya na lagi silang ipagkukumpara ni Angeline pero hindi na ikagugulat ito ni Sarah kung kaya’t mas gusto na lamang niya na pagbutihin ang kanyang trabaho. “Lahat naman tayo laging may darating na mas okay, mas okay sa ‘yo. ‘Yun ‘yung challenge sa ‘yo. Lagi mong i-sustain kung anong meron ka at ipagdasal mo rin kung ano ‘yung plano sa ‘yo ng Diyos, at saka healthy competition lang. Masasabi ko lang, time talaga ni Angeline ngayon. Kailangangan pangalagaan ko lang kung ano’ng meron ako.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *