Orchid Lois dot Com

March 21, 2011

Sarah Geronimo apologizes to Cristine Reyes

Isa ang push.com.ph sa ilang nakasaksi sa pagbabati nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes sa ASAP backstage, ngayong March 20. Hindi inasahan ng mga nasa paligid na kinabibilangan ng ilang artista ang pagsasalubong ng dalawa at pagbabati. Nang magsalubong ang dalawa, unang tinawag ni Sarah si Cristine at humingi ito ng sorry. “Miss Cristine, bati na tayo,” ma-emosyunal na sambit ni Sarah sabay yakap sa sexy actress. Nangilid ang luha ng dalawa sa kanilang pagbabati. Later that day ay nag-guest si Sarah sa The Buzz at ikinuwento ang iba pang detalye.

“Matagal na matagal ko na siyang gustong makausap, pagkatapos ng lahat ng gulo, gusto ko na talagang mag-sorry sa kanya,” kuwento ni Sarah. “Walang pagkakataon po kasi marami rin kasing nagsasabi na masyado rin kasing masakit ang nangyari na kung ako ‘yung mauuna ganon. Pero ako sa sarili ko gustong-gusto ko nang mag-sorry para matapos na. Alam kong nasaktan din siya kaya kailangan ko ding mag-apologize.”

Kuwento ni Sarah, naiwan ng kanyang makeup artist (na makeup artist din ni Cristine) ang eye liner sa kanyang makeup room. Nakakita ng pagkakataon si Sarah at isasauli na sana ang nasabing eyeliner kay Cristine at eksakto namang nakasalubong niya ang aktres. “So nagtinginan kami. Parang umiwas pa siya,” bungad ni Sarah. “Siyempre may takot din sa akin. Tatanggapin kaya niya? Masasaktan kaya ako? Ano kaya ang mangyayari? So niyakap ko na lang siya, hindi ko na siya pinakawalan. Sabi ko Cristine wala talaga akong intensyon (na makasakit)…”

Sa wakas din ay nagbigay ng kanyang pahayag si Sarah hinggil sa pagbibiro niya dati sa ASAP rehearsals na ang magaling sumayaw ay lapitin ng seksing babae na tinutukoy ang dating boyfriend na si Rayver Cruz. Dahil sa nangyaring iyon ay nagalit si Cristine at nagpakawala ng matatapang na statement laban sa singer actress. “’Yung biro ko sa stage na ‘yon nung rehearsal, sine-set ko lang ‘yung mood na okay na tayo Ray (Rayver), ah. Tsaka ‘yung joke ko na ‘yon kay John (Prats) din ‘yon at Rayver ‘yung magagaling na sumayaw lapitin talaga ng magagandang at seksing babae, wala akong ibang ibig sabihin non at ‘yun ang gustong-gusto kong ipaliwanag kay Cristine.”

Idinagdag din ni Sarah na humingi rin ng sorry si Cristine kay Mommy Divine sa tagpong iyon. Ikinuwento pa niya na sinabi pa niya kay Cristine na nauunawaan niya ang mga naging reaksyon nito noong mga nakaraang isyu dahil nagmamahal ito dahil nagmahal din siya noon kay Rayver na boyfriend ngayon ni Cristine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *