Orchid Lois dot Com

March 17, 2011

Sam Milby on Marie Digby: ‘I’m happy she’s here’

Ngayong umaga ay pumunta si Sam Milby sa Davao para sa shooting ng kanilang pelikula ni KC Concepcion under Star Cinema. Nakakailang shooting days na rin sina KC at Sam kaya very comfortable na raw sila sa isa’t isa.

Samantala, naging biktima rin pala ng malakas na lindol last Friday sa Japan ang special friend ni Sam at youtube sensation na si Marie Digby. Nag-worry si Sam nang nabalitaan ang nangyari sa bansa kaya agad na kinamusta si Marie. “After I found out siyempre I was worried, affected Tokyo din, alam ko nasa Tokyo siya. I asked her if she was okay, she said yeah. Grabe yung after shock, yung buong building kasi they stay in a condo, apartment building, pero mabuti naman at walang nagyari,” pahayag ni Sam.

Dumating sa bansa si Marie last Monday dahil magkakaroon siya ng ilang shows dito at balak ring gumawa ng album ng singer sa Pilipinas. Hanggang ngayon ay hindi pa raw nagkikita ang dalawa pero constantly ay nagte-text naman sila. “We’ve been messaging pero hindi ko pa siya nakikita. I don’t know when will I see her, I guess I’ll see her when I get back from Davao,” kuwento pa ng aktor.

Gustung-gusto ni Sam ang lahat ng qualities na nakita niya kay Marie. “Isa siya sa pinakamabait na taong nakilala ko buong buhay ko. I’m really a fan, magaling siya, maganda, talented. I still see a bright future for her and I’m happy she’s here. I really hope it goes well for her here. Sana alam niya na nandito lang ako para sa kanya kung gusto niya matutong mag-tagalog,” natatawang sagot ni Sam.

Bakit nga ba mas pinili ng dalawa na maging mag-kaibigan na lang kaysa maging lovers? “I think distance is a big favor. We live in two different countries and it’s hard enough to make a normal relationship workout,” pahayag ni Marie. May chance pa kaya na mas lumalim pa ang relasyon nila ngayon ng binata? “Who knows? It’s hard to tell what’s gonna happen, the future, what the circumstances are. I don’t know but I’m not saying it’s impossible. Sam’s a cutie pie. He’s a beautiful person, he’s very kindhearted, not a mean bone in his body. I don’t even think he’s aware of how charming and talented he is. He’s a wonderful person,” pagtatapos pa ni Marie. Ayon pa sa dalaga ay hindi pa nga raw sila nagkikita ni Sam dahil busy rin siya sa kanyang schedules.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *