Orchid Lois dot Com

April 13, 2009

Richard Gutierrez files P25-million libel case against PEP


Many things happened during the last couple of days, when everyone was taking their couple of days off work… many things happened in the world of showbizness!

There’s this Sex Bomb issue in boracay as well as with Andrew Wolf… Take the case of Richard Gutierrez for example:

Libel ang kaso na isinampa ni Richard Gutierrez laban sa PEP (Philippine Entertainment Portal); partikular kina Ms. Jo-Ann Maglipon, editor-in-chief; Karen Pagsolingan, managing editor; at Ferdinand Godinez, staff writer.

Nagsadya kanina, April 13, si Richard sa Makati City Regional Trial Court para pormal na isampa ang kaso. Past 2 p.m. nang dumating siya sa Prosecutor’s Office. Kasama niya ang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, ang mga kapatid na sina Ruffa at Raymond. Present din si Bubbles Paraiso, ang witness ni Richard sa kaso na alaga ng kanyang ina.

Si Atty. T. Angelica Y. Santiago ang legal counsel ni Richard at siya ang nagsabi sa media na P25 million ang halaga ng damages na hinihingi ng kanyang kliyente mula sa mga respondent. Fifteen million pesos (P15M) para sa moral damages at ten million pesos (P10 million) para sa exemplary damages.

Sa interview kay Richard, sinabi nito na itinuloy niya ang pagsasampa ng kaso dahil hindi naman binawi ng PEP ang kuwento na nag-away at nagkatutukan sila ni Michael Flores ng baril sa birthday party ng direktor na si Mark Reyes noong March 28.

Ayon kay Richard, “Maraming artista ang nabibiktima ng ganitong klaseng false journalism at nagkataon lang na nangyari ito sa akin. Nakakalungkot na kinailangan na mangyari ito, pero I just want to get to the bottom of this and we wanna find out the truth kung sinong tao ang nasa likod nito. That’s why we’re doing this.We already gave them a second chance that’s why we are here.

“Hindi ako galit. I feel bad and it saddens me na kailangang mangyari ito. Kasi kaming mga artista, nagtatrabaho kami. You know, ang goal namin, magbigay-ligaya. Magbigay ng entertainment sa mga tao, tapos bigla na lang kami sasagasaan nang ganoon. Wala naman kaming ginagawang masama,

“Sa totoo lang, galing kami sa Bagac, Bataan. Nagte-taping kami doon. Isang beses lang akong lumabas, natsismis pa ako na gumawa ng ganoon. Ang sama lang ng ginawa nila. Ngayon, we have no option but to do this legal action. We want to get to the bottom of this. Sino ba talaga yung taong behind this? Sino ba talaga ang source? Yun lang naman,

Read the rest of the story at PEP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *