Orchid Lois dot Com

November 28, 2009

Rafael Rosell says he’s no Robert Pattinson copycat in Ang Darling Kong Aswang


Gaganap na aswang ang hunky actor na si Rafael Rosell sa pelikulang Ang Darling Kong Aswang, pero sinisiguro niyang di niya ginaya ang vampire ni Robert Pattinson sa Twilight saga.

“Hindi, iba ito, ako hindi ko siya ginaya. Salbahe ako dito, kontrabida role, next to Jean Garcia, na siya yung parang boss naming mga aswang dito.”

Ang bida sa naturang Metro Manila Film Festival entry ay si Vic Sotto, with Cristine Reyes as his leading leady.

Joint production ito ng APT Entertainment ni Tony Tuviera, OctoArts Films ni Orly Ilacad, at M-Zet TV Productions ni Bossing Vic.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rafael kung angkop ba ang tema ng aswang para sa Pasko. Baka di ito tangkilikin ng mga manonood.

“Every Christmas naman may parang epic movie na lumalabas. I think it’s a good time for storytelling and fairy tales so okay din naman na maglabas sila ng Ang Darling Kong Aswang, para sa mga bata naman itong Christmas. Panakot lang nang konti ang pelikula namin pero siyempre more on comedy pa rin.”

VAMPIRE FIGHT SCENES. First time ni Rafael na gumanap na aswang at aminado siyang di niya sigurado kung ano ang pagkakaiba ng vampire sa aswang.

“Ang alam ko kasi, ang mga vampires, hindi nila kaya sa daylight. E, ang mga aswang, kaya nila sa daylight.”

Wala man daw siyang pinagbasehan sa character niya, “pero since may mga fight scenes kami sa pelikula, nag-study ako ng konting martial arts.”

Kuwento pa niya, “Kakabili ko lang kasi ng Tekken 6 sa PS 3, yung latest na parang martial arts game sa PS [PlayStation]… Actually nauna muna yung shoot namin sa movie bago lumabas yung character du’n sa Tekken, so nung nilaro ko yung game, napansin ko na parang yung fighting technique na ginamit ko sa movie, parang may pagkahawig sa Tekken 6 na game.”

Hindi raw naniniwala sa aswang si Rafael. “Sa mga supernatural na ganyan hindi ako naniniwala. Never akong naka-encounter at happy na ako du’n.”

Gusto ba niyang makakita ng tunay na aswang?

“Huwag naman po, okay lang na hindi,” natatawang sagot ni Rafael.

Pero kung totoong may aswang, papayag ba siyang magpakagat sa isang aswang na kasing ganda ni Cristine?

“Oo, naman, siyempre. Papakagat ako tapos eternal life na yun. Kumbaga siya na ang mag-aalaga sa akin.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *