
NALALAPIT na ang katapusan ng Hulyo, ngunit ang kaguluhan sa Wowowee ay hindi pa rin naglalaho at ngayon ay mas pinalala pa ang isyu ng lumabas ang balitang babalik na ang dating main host ng show na si Willie Revillame. Sa kanyang pagbabalik daw ay masisibak na ang mga female hosts at nauna na nga rito si RR Enriquez na kung saan ay wala na talaga siya sa show.
Hmmm… bakit kaya siya tsinugi? Hindi kaya ililipat siya sa evening program na babagay ang kanyang mga outfit na parang hindi siya aware na maraming manonood sa sobrang pag-expose ng kanyang katawan? Joke!
May mga balita ring naglipanang magre-reformat na ang programang Wowowee at isa na sa mga chikkang tsutsugihin na rin si Pokwang, ngunit wala pa itong kasiguraduhan at sa ngayon ay haka-haka lamang maging ang balitang pagbabalik ni Willie.
Teka nga, papa’no nila tatanggalin si Pokwang eh, ‘di nawalan ng dating ang show!
Related posts:
- Myterious Absense of Lara Precious in WowoweeNabalitaan nyo na ba ang misteryosong pagkawala ng ating Miss International 2005 na si Lara...Angel Locsin Taong GrasaSi Angel Locsin ay gaganap ng isang taong grasa sa susunod na episode ng Maalaala...
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.