Orchid Lois dot Com

January 10, 2010

Paolo Contis,Excited First Time Dad!


Sa Startalk kahapon, January 9, ibinalita ni Paolo Contis na posibleng end of February or first week of March na ang pagsilang ng kanilang anak ni Lian Paz.

Alam na nga nila kung ano ang ipapangalan: Xonia Aitana.

Ayon kay Paolo, “Aitana is an Italian name na it means, the glorious woman. Ang bait-bait, ‘no? Hindi maliligawan,” biro pa niya.

At hindi pa man lumalabas ang baby ay naka-tattoo na raw sa right shoulder niya ang pangalan nito na ipinakita niya sa Startalk.

“I’m very excited, sa lahat ng aspeto,” sabi niya. “Sabi ko nga, every time na nagwo-work ako, gusto kong umuuwi agad. Kasi gusto kong maramdaman ang galaw. Kasi alam ko ang oras ng galaw ng baby, usually gabi. Feeling ko, daddy’s girl ‘to.”


STAR GODPARENTS. Marami na raw ang nagpiprisintang maging godparents ng baby.

“Pero, hindi naman puwedeng marami, di ba? Actually, non-showbiz na mga friends niya [Lian]. Sa grupo niya [EB Babes], si Mergene [Maranan] and Saida [Diola]. Sa mga kaibigan ko, siyempre, nandun na si Dingdong [Dantes], number one, siyempre. Si Direk Dom [Dominic Zapata]. Raymart [ Santiago ], Ate Claudine [Barretto], si Kuya Benjie Paras, ‘yan…”

Isa rin si Startalk host Joey de Leon sa mga magiging ninong.

Mukhang bongga ang magaganap na binyagan.

“Sino ba naman ang gustong hindi bongga? Pero again, hindi na… iba na ngayon, e. Hindi ka na mag-isa. Gustuhin man nating sobrang bongga-bongga, ayoko namang ibuhos lahat sa binyag lang. After that, e, gutom na kami. Pero hangga’t maaari, I wanna give everything to my daughter.”

Bilang paghahanda sa pag-aalaga raw ng kanilang baby, lahat daw yata ng libro about babies ay nabasa na niya.

“Lahat ng libro na puwede kong mabasa, nabasa ko na. Pati sa pagpalit ng diaper, paghawak ng bata. Naghahanap nga ako ng ganoong klase ng class, pero, sabi nila, kaya mo na ‘yan. Kahit yung pagkarga ng bata, magiging natural ‘yan.”

HANDS-ON PARENTING. Hindi raw kukuha si Paolo ng yaya. He intends to install a surveillance camera to monitor his child’s unguarded moments.

“Meron kaming kinuha na para siyang security camera. Nakatutok lang siya sa camera. Malay niyo tulog, biglang nagsalita, e, di nakunan ko!” natatawang biro niya.

As for Lian, “Of course, first priority kapag nagde-deliver na siya. Kung kailangan niya ko run, nandun ako. Kung nakakaistorbo yung pagkuha ko ng camera at hindi ko siya maalagaan, hindi ko naman siguro iaasa sa ibang cameraman, ‘no?” natatawa uli niyang sabi.

“First week of March namin ine-expect. March din ang birthday ko… Buong pamilya ko, Pisces kaming lahat. Malamang ang baby, Pisces din.”

WEDDING BELLS SOON AFTER? Maaari kayang sumunod ang kasalan pagkatapos ng binyag?

“Ay siyempre, ipaplano rin yun. Pero siyempre, maganda na si baby ang flower girl namin.”

Parang palalakihin pa nila?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *