Orchid Lois dot Com

March 7, 2011

Matteo Guidicelli reveals he is dating Maja Salvador

Sobrang excited ang aspiring actor na si Matteo Guidicelli sa kanyang upcoming movie with Sarah Geronimo at Gerald Anderson, ang Catch Me, I’m In Love na magbubukas sa mga sinehan this March 23. Ito kasi ang first-ever movie ni Matteo. “That’s why I’m so thankful sa Star Cinema tapos makatabaho mo si Sarah at Gerald dito, it’s a wonderful blessing and a dream come true,” anang aktor sa The Buzz kahapon.

Ang role ni Matteo sa nasabing pelikula ay best-friend ni Sarah at magiging karibal ni Gerald. Ikinukumpara nga ngayon si Matteo kay Gerald at sinabing siya ang threat sa action-drama prince. Pero paliwanag ni Matteo, “Gerald has his own magic, he is a great person, great actor, great performer and ayokong mag-compete sa kanya. He’s really good at what he does, he’s really cool.”

Isa pang isyu kay Matteo ay ang tungkol sa kasamahan na si Sarah dahil ginamit lang daw niya si Sarah para sumikat. Matatandaang inamin noon ng Italian-Filipino actor na malaki ang paghanga niya sa Pop Princess. Pero nilinaw ni Matteo na noon pa man ay sinabi na niyang ayaw niyang gumamit ng sino man para sumikat. Hindi rin niya itinanggi na nang mag-concert si Sarah sa Cebu ay lumipad pa papunta doon si Matteo para mapanuod lang ang singer-actress. “I look up to Sarah so much. When you see her, she’s a normal person, very humble, very sweet. But when you see her on stage, iba si Sarah, parang wow!”

Sinagot din ni Matteo ang isyung pagkaka-link niya ngayon kay Maja Salvador. Sinasabing mag-on na raw ang dalawa pero itinanggi ito ni Maja sa kanyang mga interviews. Sinabi naman ni Matteo sa The Buzz na single siya pero nagdi-date sila ni Maja. “I’m concentrating on work now. I’m very close to someone (Maja). It’s inspiring me, but I’m not officially (in a relationship with her),” paglilinaw niya.

Bukod pa sa Catch Me, I’m In Love, kasama rin si Matteo sa noontime show na Happy Yipee Yehey at nakatakdang gumawa ng teleserye with Kim Chiu. Aminado siyang kulang siya sa oras sa sarili pero thankful siya sa dami ng proyekto. “Konti (ang time sa sarili) pero nae-enjoy ko talaga kahit wala na akong time sa sarili ko. Okay na ‘yon,” paniniyak ni Matteo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *