Orchid Lois dot Com

April 17, 2009

Marian Rivera to play Darna Not Yet Confirmed

The statement that Marian Rivera to Play Darna is not yet confirmed is from her manager. She said that there are still no offer.

Here’s the article from PEP:

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang talent manager ni Marian Rivera na si Popoy Caritativo kaninang hapon, April 15. Ayon sa kanya, wala pa raw siyang masyadong maibibigay na update sa mga bagong proyekto ng alaga niya. Pagkatapos daw kasi ng Holy Week vacation ay hindi pa raw siya nakakapag-set ng meeting with GMA-7.

In fact, kasalukuyang nasa hospital si Popoy nang makausap namin siya over the telephone dahil sa kanyang amang may sakit.

Pero ayon kay Popoy, may naka-lineup naman na mga bagong projects for Marian sa Kapuso network. Yun nga lang, wala pa silang final na usapan kung ano ang unang gagawin ni Marian.

Sinegundahan din niya ang naging pahayag ni Marian nang makausap ito ng entertainment press na ang susunod niyang primetime series ay pambata naman.
Ayon kay Popoy, “Yes, pambata nga ulit. Kasi, ‘yun ang sinabi sa amin noong last meeting na balik-pambata nga raw si Marian. Doon yata siya gusto. That’s the reason also kung bakit kapag tinatanong siya ng press, yun ang sinasagot niya.”

Magkaganunman, wala pa raw eksaktong ideya si Popoy kung ano ang bagong serye na ito na posibleng magustuhan ng mga bata. Sa ngayon, napag-uusapan na si Marian na nga at wala nang iba ang napipisil ng GMA-7 para gumanap na Darna.

Kung totoo raw na si Marian ang gaganap na Darna, walang nakikitang dahilan si Popoy para hindi sila maging masaya at tanggapin kung may offer man.

“If ever na may offer at siya talaga yung gaganap na Darna, bakit naman hindi?” sabi niya. “Isang malaking karangalan yun. Pero sa ngayon, as I’ve said, wala pa rin akong alam. Yung mga nakakarating sa akin, mga sabi-sabi pa lang din, na siya nga raw ang gaganap na Darna. Wala pang formal offer talaga.”

‘Pag nagkataon, si Marian pa lang ang susunod sa yapak ni Ms. Vilma Santos, na bukod-tanging aktres sa industriya na nakaganap sa dalawang sikat na komiks characters—Darna at Dyesebel.

Posible na by next week daw ay makapag-meeting na si Popoy kung ano na ang susunod na gagawin ni Marian among the projects na naka-lineup sa kanya. Tamang-tama rin naman dahil sa April 22 na ang last taping day ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang nila ni Dingdong Dantes. Pero until first week of May pa ito mapapanood sa ere.

Ayaw nang sagutin pa ng manager ni Marian ang mga bagong isyu na gustong ibato ng ilan tungkol sa kanyang alaga. Nagugulat na lang din daw siya tulad ng kesyo may nakakita raw rito sa isang drug/cosmetic shop na sinasabing nagtaray raw ito. Yung isa naman, sa isang restaurant sa Quezon City daw at, tulad ng una, nagtaray na naman daw si Marian dito.

Ayon kay Popoy, halos puro taping at ibang commitments nito ang inaatupag ni Marian. Yung mga nabanggit pa lang daw na lugar ay hindi halos nito napupuntahan.

Feeling ni Popoy, paulit-ulit na lang din ang mga isyung gustong ibato kay Marian kahit hindi naman daw talaga nangyari. Pagdating naman daw kasi sa trabaho ay walang masasabi sa working attitude ng aktres. – Philippine Entertainment Portal

Comments

  1. maryls lee says:

    ano ba yan walang ibang artista ang gma cge nalang marian nakakasawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *