Marian Rivera is indeed Darna!
By admin May 6th, 2009 Filed Under Uncategorized
The old post that Marian Rivera is not yet the Darna is soo old news! Lumang balita na.. She is Darna.. At kahit na iyong balitang siya ang bagong Darna, lumang balita na rin, pero ilalagay pa rin nating dito, syempre!
MANILA, Philippines – Nitong Huwebes, April 23, after mag-guest ni Marian Rivera sa isang taping ng “SiS” para i-promote ang nalalapit na ending nang “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang,” binigyan siya ng napakalaking sorpresa!
Hindi alam ni Marian Rivera kung bakit siya pinatawag ni Ms. Wilma Galvante, ang GMA senior vice president for entertaiment, sa office nito pagkatapos niyang mag-promote sa “SiS.” After a brief closed-door meeting, dinala siya ni Ms. Wilma sa kabilang kwarto at doon sumalubong kay Marian ang isang surprise party.
Sa harap ng press at ilang GMA executives, it was officially announced that Marian will be the next Darna.
“Hindi ko alam na ganito, ang sabi lang sa ‘kin na kakausapin ako para sa next project ko, so… excited ako. Sabi ko ‘Momsie [her term of endearment for her manager Popoy], halika na! Bakit hindi pa tayo papanhik? Kakausapin na tayo!’
“Sabi niya ‘Mamaya na, mamaya na.’ Parang nakakutob na ako kay Popoy..Ganyan ‘yan palagi ‘pag may surprise. Nagulat ako at thank you at nag-effort talaga sila ng ganito. So ano pa bang mahihiling ko? Binigay na sa ‘kin ang ‘Marimar,’ ang ‘Dyesebel,’ ngayon naman ‘Darna’,” ang masayang pahayag ng magandang aktres.
Idinagdag pa niya na this is a dream come true for her at masaya siya na sa kanya ipinagkatiwala ang role na pinagbidahan na rin ng mga malalaking pangalan sa showbiz, sa pangunguna ni Ms. Vilma Santos, who incidentally also portrayed Dyesebel.
“Siguro kahit sinong babae papangaraping maging si Darna,” sabi ni Marian who was obviously overwhelmed sa napaka-pleasant na surprise.
Related posts:
- Marian Rivera to play Darna Not Yet ConfirmedThe statement that Marian Rivera to Play Darna is not yet confirmed is from her...Marian Rivera Is The New ‘Dyesebel’It is confirmed! Buong akala ko pa naman si Katrina Halili ang magbibida sa Dyesebel,...
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.
Comments
One Response to “Marian Rivera is indeed Darna!”
Leave a Reply










she is darna and she is my crush