Orchid Lois dot Com

August 6, 2009

Marian Rivera as “Queen of Primetime”

Marian Rivera as “Queen of Primetime”.. you can’t stop the persistent pep… we are just passing the news.

“Thank you!” kasunod ang isang matamis na ngiti ang tugon ni Marian Rivera sa nagsasabi sa kanya na siya ang “sexiest Darna” sa grand launch ng pinakabagong fantaserye ng GM-7 na Darna noong Lunes, Agosto 3, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Marian Rivera as Darna

Marian Rivera as Darna

Patuloy niya, “Alam n’yo, thankful ako dahil lahat ng katrabaho ko ngayon ay maayos, masaya, nagkakaintindihan. Walang pressure. Parang lahat kami magkakasundo talaga at alam mo na concern sa isa’t isa. Lahat kami okey sa set magmula kina Tita Celia [Rodriguez], kina Iwa [Moto], lahat-lahat, okey, e.”

Pero ano nga ba ang nararamdaman niya kapag nakakarinig ng compliments na siya raw ang “pinaka-sexy at pinakamagandang Darna.” Maging si Ms Celia—na nakasama na sa dalawang Darna movies (Lipad, Darna, Lipad at Darna at Ding ni Vilma Santos) at sa Darna ni Angel Locsin—ay puro papuri ang sinabi kay Marian.

“Siyempre, masaya ko dun, pero nirerespeto ko pa rin yun. May kanya-kanyang desisyon ang mga tao. May kanya-kanya pa rin sila kung sino ang maganda para sa kanila. Pero ang mahalaga sa akin, ine-enjoy ko ‘to at mapaligaya ko ulit ang mga tao,” sabi ni Marian.

Hindi itinanggi ni Marian na marami siyang ginawang adjustments sa kanyang bagong character as Darna.

“Maraming adjustments,” sabi niya. “Kasi unang-una, superhero ito… Yung costume, yung harness, yung fight scenes ko… So, dun pa lang, malaking adjustment na. E, dati hindi ako nag-e-exercise. Ngayon, kailangan mag-exercise ako bago ako mag-fight scene. Kung hindi, sasakit ang katawan ko Kailangan kong i-maintain ang katawan ko dahil sa costume at kailangan ko rin i-maintain ‘yun dahil sa harness kasi, mahirap kapag mabigat ka.”

Tuloy pa rin daw ang pagte-training niya ng wushu. Ang hindi na raw niya masyadong magawa ay ang pagdyi-gym kung saan tinutulungan naman siya ng rumored boyfriend niyang si Dingdong Dantes sa training.

“Tagilid na kasi,” banggit ni Marian. “Nagti-taping ako at pagkatapos, naghahabol pa kami. May Tarot pa ‘ko. Tapos sa September, merong Nieves naman.”

NEW LEADING MAN. After ng tatlong consecutive primetime series na si Dingdong Dantes ang kapareha ni Marian—Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hiniugot Sa Aking Tadyang—dito sa Darna ay si Mark Anthony Fernandez ang leading man ni Marian.

Kumusta naman sila ni Mark?

“Okey naman siya. Okey naman kami,” maikling tugon ni Marian.

Tumawa naman nang husto si Marian nang hingan ng reaction ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa sinabi ni Mark na nagpaplano raw itong kausapin si Dingdong.

“Thank you, thank you…” sambit ng aktres. “Marunong siyang rumespeto at nakikita ko sa kanya yun na sobrang laki ng respeto niya sa akin, which is, gusto ko sa mga tao na marunong rumespeto talaga.”

Naramdaman niya ba na parang naiilang sa kanya si Mark?

“Konti, pero sinabi ko sa kanya na, ‘Wala kang dapat ikailang. Kaya natin ‘to, magtulungan tayong dalawa. Kasi, hindi lang porke’t Darna ang title, ako lang ito. Hindi, sa ating lahat ito,'” lahad ni Marian.

QUEEN OF PRIMETIME. Ayaw namang isipin ni Marian ang pressure sa mataas na expectations, lalo na ng mga Kapuso, sa Darna.

“Alam ko na isa yun sa mga factor na kailangan, nagri-rate talaga ang show. Pero ang importante sa akin, ako si Darna. Ako ang pinili at ine-enjoy ko talaga siya. At importante, sa lahat—mula crew, director, artista—magkakasundo. Talagang love namin ang isa’t isa,” pahayag niya.


Sa ipinalabas na mensahe ng top executives ng GMA-7, sa pangunguna ni Atty. Felipe L. Gozon, sinelyuhan na nila ang bansag kay Marian bilang “Queen of Primetime.”

Ano ang masasabi ni Marian dito?

“Siyempre, kung ganoon ang tingin sa akin ng mga boss ng GMA, maraming salamat sa kanila. Kasi ako, bilang artista rin, naging professional ako. Ginawa ko ang dapat kong gawin at minahal ko talaga ang trabaho ko,” sagot ni Marian.

BIRTHDAY GIRL. Ang buwan ng August ang isa sa pinaka-special kina Marian at Dingdong dahil pareho silang nagse-celebrate ng birthday sa buwang ito.  Si  Dingdong noong August 2 at si Marian naman sa August 12.

Once again, just passing the news…  we’re not taking the credit for the story either it’s correct or not.

http://www.pep.ph/news/22720/GMA-7-executives-acknowledge-Marian-Rivera-as-

Comments

  1. Elizar Palad says:

    grabe! ang taas daw ng rating ng darna nung pilot ah! ano kayang pakiramdam ni Angel locsin ngayon? Heheh

  2. Ricky says:

    Oo nga pareho pa sila nang buwan ng birthday, magandang senyales yan 😀

  3. maricar says:

    i hate marian!!!!!!!masyado syang mayabang!!!wew!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *