Natatawa na lang daw si Marian Rivera sa mga naglalabasang ulat na madalas silang mag-away ng kanyang nobyo na si Dingdong Dantes.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi ni Marian na walang dahilan para mag-away sila ni Dingdong, at lalong walang dahilan para magselos siya sa nobyo.

“Natatawa talaga sa mga isyu na ganyan. Porke dati sinabi ko na selosa ako, all the way kailangan ba selosa ako? Hindi naman ganun ‘di ba? Nakakaloka, at wala naman akong pagseselosan, sino?” pahayag ni Marian kay entertainment reporter Lhar Santiago.

Pero totoo ba na baka sila naman ni Dingdong ang susunod na magpapakasal pagkatapos nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez?
“Mahirap naman kasi ‘yang pag-usapan (tapos) di naman matutuloy. So kapag sigurado na, dun na lang pag-usapan. Pero ngayon focus muna kami sa Endless Love,” ayon sa aktres.

Sa Huwebes ay kaarawan ni Marian, pero tulad daw ng mga nakaraang taon, walang plano ang dalaga na mag-celebrate at sa halip ay trabaho pa rin daw ang kanyang gagawin.

May taping umano siya ng Endless Love sa araw ng kanyang kaarawan. At dahil kasama niya sa trabaho si Dingdong, sapat na raw iyon para maging maligaya siya.

Todo rin ang pasasalamat ng aktres sa mga biyaya na kanyang natatanggap tulad ng mga sabay-sabay niyang proyekto. Bukod sa Endless Love at Show Me Da Manny, gagawin ni Marian ang remake Super Inday And The Magic Bibe, na pinagbidahan noon ni Maricel Soriano.

“Sabi ko nga sa sobrang daming blessings na dumating sa buhay ko masayang-masaya na ako. Ngayon kung may darating pa, eh salamat pa rin ‘di ba,” pahayag niya

Related posts:

    Let’s Celebrate: The Marian-Dingdong Birthday Blowout!Let’s Celebrate: The Marian-Dingdong Birthday Blowout event was celebrated last night at the Big Dome!...Dingdong Dantes excited to work with Marian Rivera againAyon kay Dingdong Dantes, posibleng hanggang summer 2010 pa magra-run ang Family Feud. Ito ang...

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Leave a comment

Name: (Required)

eMail: (Required)

Website:

Comment: