Orchid Lois dot Com

March 2, 2011

Kristine Hermosa and Oyo Sotto share their thoughts on having a baby

Isang very private na kasalan ang ginanap sa Balai Isabel sa Batangas last January, ang kasalang Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Dinaluhan ito ng mga pinakamalalapit na kaibigan at kapamilya ng dalawa. Pagkatapos ng nasabing kasalan ay pansamantalang nawala muna sa limelight ang mag-asawa para sa kanilang honeymoon. Bakit nga ba mas pinili ng dalawa na hindi isa-publiko ang kanilang kasal? “We wanted a full coverage sana, kaso ilang weeks na lang before the wedding, napag-isipan namin ni Tin na we really want it to be private talaga,” paglilinaw ni Oyo.

Ayon pa sa aktor ay naging masaya at masarap daw ang naging honeymoon nilang mag-asawa. Ngayong kababalik lang nila mula sa kanilang honeymoon ay marami na ang naiinip sa pagbubuntis ni Kristine, na ang balita ay nahihirapan daw magbuntis ang aktres dahil sa kanyang health condition. “Malapit na ngang magbuntis, tsismis lang yun baka bukas buntis na si Tin. Hindi n’yo alam kaya maluwag yung suot niya,” nakangiting sagot ni Oyo. “Bahala na si God kung ibigay niya agad sa amin, kung hindi I guess hindi pa yun ang right time,” pahayag naman ni Kristine.

Samantala, marami rin ang nagtatanong kung papayagan pa ba ni Oyo si Kristine na magbalik-showbiz ngayong bubuo na sila ng isang pamilya? “Oo naman, ‘di ko naman siya (Kristine) pagbabawalan. She knows her limitation naman. Alam niya kung hanggang saan lang so if she wants to work okay lang basta okay yung schedule. Huwag lang masyadong busy tulad ng dati. Doon, ayoko talaga, siyempre gusto ko naman ng pamilya,” pagtatapat ni Oyo. “We’ll see kapag may magandang offer or projects. It depends on the limitations namin ni Oyo, medyo maselan yung limitations na iyon,” sagot naman ni Kristine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *