Orchid Lois dot Com

March 11, 2011

Kim Chiu gets her high school diploma

Kahapon ay isang very special event ang dinaluhan ni Kim Chiu, ang kanyang high school graduation na ginanap sa Tanghalang Balagtas ng Folk Arts Theater. Kasama ni Kim na nag-graduate ang iba pang alternative learning students sa buong Manila. Naging speaker din ang teleserye princess sa nasabing event na naging very emotional during her speech. “Lagi nating tandaan na ang kahalagahan ng buhay ay hindi lang natin mararating sa ating sarili. Libre pong mangarap. Kaya sa lahat na may gustong abutin sa buhay, isipin na lang po natin na hindi imposibleng mangarap. Katulad ko, nangarap ako na magtapos ng pag-aaral kaya congratulations sa ating lahat,” naiiyak si Kim habang nagsasalita sa stage.

Dapat kasi ay 4th year high school na si Kim noon pagkatapos niyang manalo sa first teen edition ng Pinoy Big Brother. Napahinto sa pag-aaral si Kim dahil sa dami ng kanyang showbiz commitments. Minabuti ng young actress na mag-enroll sa special education na ino-offer ng DepEd at naging matagumpay naman si Kim sa kanyang pag-aaral.

“Ang sarap ng pakiramdam, ayan na siya. Ang tagal ko nang gustong maka-graduate. Ito talaga yung pangarap sa akin ng lola ko na bago ako pumasok sa showbiz makatapos ako kahit high school man lang, eto na, may gift na ako sa kanya. Hindi naman biro yung showbiz to education, tapos ang baba ng tingin sa akin ng mga tao. Kapag artista ka, easy money kaya di na sila nag-aaral. Sinasabi ang bobo, walang pinag-aralan pero ang gusto kong ipakita ay nag-aaral din naman kami, may mga pangarap din kami na makapagtapos,” emosyonal na pahayag ni Kim.

Paano nga ba pinagsabay ni Kim ang showbiz at ang pag-aaral? “Kapag dinner break, aral na lang. Pagkatapos ko basahin ang script, babasa naman ako ng lessons ko. Kapag walang work ay nag-aaral ako para sa exam,” kuwento pa ng aktres. Gusto raw ni Kim kumuha ng business course sa college dahil pangarap din niyang magtayo ng iba’t ibang business someday.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *