Orchid Lois dot Com

January 30, 2011

KC Concepcion is really happy Piolo Pascual has opened up about their relationship

Kahit na si KC Concepcion ay nagulat sa pag-amin ng boyfriend na si Piolo Pascual tungkol sa kanilang relasyon sa The Buzz kahapon. Hindi raw talaga niya alam na magsasalita na ang kanyang boyfriend. “Nasanay na nga ako na hindi siya nagsasalita and I really appreciate his statements and words. It’s just easy to say something ‘yung sinabi niya ida-divert ‘yung tanong o conversation. Wala akong ine-expect at all. Thank you, PJ,” ani KC.

Speechless nga si KC nang siya naman ang tinanong ng kanyang The Buzz co-hosts hinggil sa pag-amin ng boyfriend at hindi niya naiwasan sabihin na, “Kung alam n’yo lang ang dami-dami naming pinagdaanan ni PJ. Andami naming pinagdaanan and I was really surprised that he was very honest.”

After daw ng interview ni Piolo nagyakapan daw silang magkasintahan backstage at wala nang nasabi sa isa’t isa dahil emosyunal sila pareho. “Wala kaming napag-usapan. It was very sincere. Kung sincere ‘yung tao kung totoo ‘yung sinasabi niya o pinagdadaanan. And I always said this before when PJ talks, when he likes to do something, napag-isipan na niya ‘yun. Andaming pinagdaanan ng puso niya, ng utak niya, ng katawan niya, ng spiritual life niya. Ang dami niyang pinagdadaanan to reach a certain point sa lahat ng ginagawa niya, so I’m just… thank you PJ for being honest today.”

Bukod pa rito ay lubos na pasasalamat ang ibinigay ni KC sa mga taong nagmamahal sa kanila ni Piolo. “I’d like to thank everybody sa nagmamahal sa amin ni PJ sa lahat ng suporta at supporters. He’s a really a good guy… a really, really good guy.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *