Naging malaking tampulan din ng tukso noon at mga pagkutya ang kanyang pag-e-English, pero hindi daw talaga siya naapektuhan sa mga puna sa kanyang pagpupursiging matutong magsalita ng English. “Wala naman akong problema sa bansa, makabayan naman ako eh. Ok lang, relax lang ako. Sige lang. Yun ang trip nila ‘di ba. Para sa akin mahalaga yung matuto ka ng ibang lengguwahe katulad ng English, pati salita ng intsik, espanyol kasi importante yan ngayon kasi ang entablado ngayon hindi na Pilipinas lang ‘di ba kundi ang buong mundo na. Kailangan mo yan pag bumiyahe ka ng ibang lugar, kailangang maipagmalaki natin ang pagka-Pilipino natin na kaya nga milyon milyon ang Pilipino sa ibang bansa dahil magaling sila sa lenggwahe. I don’t see anything wrong kung bakit pupunahin yung ano natin dito.”
Malapit na ring simulan nila Echo at Kristine Hermosa ang seryeng Dahil May Isang Ikaw. Sa tingin kaya niya malalampasan nila ang natamong tagumpay ng unang pinagsamahang teleserye ni Kristine na Pangako Sa ‘Yo? “Sigurado ako magiging successful yung show namin, pero kung yun ang iisipin ko palagi masyado nang pressure, ayoko ng pressure sa trabaho. Masaya na kami dun. But will try [to do] our best na mas maging maganda. What I’m more concern now is kami ni Kristine magkakasama ulit pinaghahandaan na namin yan naging comfortable kami sa isa’t isa and we’re very happy kasi yung mga fans namin at mga supporters talagang yung mga followers namin andyan sila nag iintay pa rin, kahit ilang taon na. Finally ito na we’re doing it and very excited.”
Related posts:
- Jericho Rosales says he is not affected if critics say Jake Cuenca is a better actorNow that they are working together on a drama series for the first time, Jericho...Jericho Rosales shares what he loves about girlfriend Cesca LittonJericho Rosales is now more vocal about his girlfriend, Entertainment Live host Cesca Litton. The...
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.