Tatlong beses itinanong ng PEP (Philippine Entetainment Portal) kay JC Tiuseco na iklaro ang mga issue niya tungkol sa napapabalitang breakup niya Maxene Magalona. Tatlong beses din niya itong tumanggi.

“Hindi, tahimik na ako,” sagot nito habang nakangiti. Nakausap ng PEP and young actor and TV host sa launch ng One Naturales sa SM Makati nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay JC, masaya na siya sa pagiging single at “workaholic.”

“Single na ko ngayon,” saad niya. “Masaya namang maging single, e. Actually ngayon I can comment na siguro workaholic ako ngayon. Kasi ngayon every day wini-wish ko na may work ako. Kasi pag wala akong work at nasa bahay lang ako, para akong magkakasakit. Parang iba yung feeling ko kapag nasa bahay at walang ginagawa. Gusto ko laging may work.”

Malamang ito ay sa dahilang nararamdaman ni JC na maganda ang takbo ng career niya ngayon. Kasama siya sa cast ng early primetime series sa GMA-7 na Langit sa Piling Mo, at host din siya ng QTV show na X-Life.

Aniya, “Oo naman. Super happy. Kasi I couldn’t ask for more, like, yun nga, sabi ko nga, hindi pa ko ganun katagal, tapos nabigyan na ko ng stable show. Wala na kong mahihiling.”

Nakasanayan na rin raw ni JC ang showbiz.

“Actually, mas comfortable na ako ngayon mag-acting sa Langit sa Piling Mo. Kasi sa crew, mga ibang actors din sa Langit, sobrang bait talaga. Sabi nga nila, yung buong cast ng Langit sobrang bait talaga. So, wala akong masabi talaga. Madaling magtrabaho,” pagpupuri niya. Ang mga kasali sa teleserye ay sina Heart Evangelista, Mark Herras, Katrina Halili, Daniel Matsunaga, at iba pa.

Ngunit nang tanungin siya ay nilinaw niyang nararamdaman niyang isa pa rin siyang newbie sa industriya.

“Oo naman, kasi one yar pa lang ako sa showbiz, so ang dami ko pang kailangan matutunan, ang dami ko pang hindi alam. Ang dami ko pang dapat pagdaanan,” sabi niya.

Related posts:

    Carla Abellana squashes rumor pitting her against Marian RiveraAnd female lead ng afternoon soap sa Gma 7 si Carla Abellana ay napapabalitang ang...Marian Rivera to play Darna Not Yet ConfirmedThe statement that Marian Rivera to Play Darna is not yet confirmed is from her...

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Leave a comment

Name: (Required)

eMail: (Required)

Website:

Comment: