Orchid Lois dot Com

March 22, 2011

Jackie faces her fear

Matapos ng matagal na paghihintay ay tuloy na nga ang afternoon drama na Sisid, na pagbibidahan ni Jackie Rice. Naging usap-usapan ang matagal na paglabas ng show na ito dahil hindi marunong si Jackie lumangoy, and the people are aware of her phobia sa tubig, kaya naman nagdaan muna si Jackie sa training sa paglangoy.

Natuto na kaya si Jackie matapos ang ilang buwan ng pagte-training?

“Wala namang taong hindi natututo ‘di ba?” sagot niya.

Nahirapan ba siya sa kanyang swimming at diving lessons para sa kanyang role sa show na ito?

“Mahirap kasi wala talaga akong alam sa pag-swim. And yung fear ko, na-overcome ko naman siya. At saka eto naman, yung swimming, hindi ko lang naman siya magagamit for the show e. After naman ng show magagamit ko rin siya pansarili ko. So ayun, malaking tulong siya. Naturuan na nga ako, nagkatrabaho pa ako, tapos magagamit ko pa siya,” kuwento niya.

Ano naman ang kanyang pakiramdam sa mga bumabatikos sa kanyang pagkakapili bilang lead actress ng show na ito knowing that she did not know how to swim?

“Siyempre, nahihiya ako kasi hindi naman talaga ako marunong lumangoy. Nung binigay [ito] sa’kin, parang ‘Wow, gusto ko talagang magkatrabaho, pero parang imposible naman kasi hindi ako marunong lumangoy.’” Paglalahad niya. “So pinaturuan nila ako. and from there, siguro hinintay nila na yung confidence ko sa sarili ko e kaya ko na ba sa ilalim?”

Dagdag pa ng dalaga, “Siguro kung hindi nga para sa’kin, e hindi ako nandito.”

Ayon naman kay Jackie, patuloy ang kanyang pagpupursigi para mapagbuti pa ang kanyang paglangoy para sa kanyang role sa Sisid.

“Siyempre. Sayang naman, work na yun, mawawala pa? So talagang super training ako under the sea!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *