Orchid Lois dot Com

August 21, 2009

Is Marian Rivera threatened by Carla Abellana?

Abalang-abala si Marian Rivera sa kanyang training para sa nalalapit na paglipad muli ni Darna sa telebisyon. Binisita ng iGMA ang newest Kapuso superhero para kamustahin ang kanyang paghahanda at para kunan na rin ng pahayag about the newest Pinoy-Thalia, si Carla Abellana, na siyang gaganap bilang Rosalinda.

Kitang-kita sa mukha ni Marian ang pagiging seryoso habang inaaral ang wushu at paglipad in preparation for Darna. Hinihingal at pawis na pawis kaming hinarap ni Marian pagkatapos ng isang session ng training niya.

Habang nagpapahinga, kinamusta namin ang Darna at tinanong kung kalian nga ba makikita ng viewers ng telebisyon ang nasabing show.

“Sa August pa ata ito, kasi na-move ang Rosalinda. Kailangan kasing i-launch muna siya eh. Syempre, ‘pag nagsabay kami, parang sapawan naman. So sa kanya na muna [ang attention] bilang bago naman siya eh,” ang paliwanag ni Marian sa amin.

Inamin niya na na-meet niya si Carla Abellana sa isang GMA event pero hindi sila masyadong nakapag-usap. Nang tinanong namin kung anong comment niya sa mga nakakapansin na magkahawig silang dalawa, natawa na lang ang dating gumanap na Pinoy Marimar.

“Nakita ko siya isang beses lang pero hindi pa kami nakakapag-usap, pero kung kahawig ko lang, wala naman sigurong masama dun, ‘di ba? Okay naman,” ang sabi ni Marian.

Tinanong din namin kung threatened ba siya sa good reviews at attention na nakukuha ni Carla ngayon as the newest Pinay Thalia.

“Hindi ah!” mabilis na tugon nito bago pa bumalik ulit sa next session niya ng training.. “Asus naman! Ang konti na nga ng leading ladies dito sa GMA, ‘di ba? Okay na ‘yun. At saka okay lang kung i-compare man kami. Okay lang – wala namang problema sa akin. Wala namang artistang hindi kino-compare sa bago.” – Loretta G. Ramirez, iGMA.TV

Comments

  1. supporter says:

    si marian lang ang maganda, panget kaya ni carla banlag kasi si carla…….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *