Orchid Lois dot Com

December 27, 2009

Heir to Francis M’s Throne


Sa panayam ng showbiz talkshow na Startalk nitong Sabado, inilahad ng biyuda ni Francis na si Pia kung sino ang sa mga anak ni Francis ang nagmana ng upuan ng kanilang ama sa lamesa at sa sining na nagpaalab sa makabayang damdamin ng mga Pilipino.

Sa pagtatanong ng mga host na sina Lolit Solis, Ricky Lo at Butch Francisco, sinabi ni Pia na ang batang si Arkin ang umukupa sa upuan ni Francis sa kanilang hapag-kainan.

“Arkin seats there kasi ever since parang gusto n’ya doon umupo, si father Arkin,” biro ni Pia. “Parang ano n’ya gustong-gusto n’ya yung place na ‘yon.”

Ayon kay Pia, sa tradisyunal at nakaugaling paraan ipinagdiwang ng pamilya ang disperas ng Pasko na sa unang pagkakataon ay hindi nila kapiling si Francis – na 25 Noche-Buena naman niyang nakasama.
Sa mga anak ni Francis, sinabing si Elmo ang nagmana ng talento ng ama at gusto raw niyang ipagpatuloy ang naiwang musika ng master rapper.

“Kasi the people din naman who watched me perform they like din how I perform. Kasi they see pap (dad) in me, parang nakuha ko raw talaga yung skills from him,” ayon kay Elmo.

Dugtong ng mga host, maging ang itsura at galaw ni Francis ay nakuha ni Elmo.

Kasabay nito, sinabi ni Pia na walang problema kung may mga producer na interesadong kunin ang kanyang mga anak. Tugon ito ng Pia nang hingan ng update ni Ricky kung nagkausap na sila ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films na interesado umanong gawing contract stars sina Elmo at Arkin.

“I heard that also from other people but I’ve not really heard that straight from her, so maybe,” ayon kay Pia. “Marami naman kasi, the first time they saw my children nung wake ni Francis even the… ‘di ba nagkakagulo lahat ng tao, napanood ko lang ang mga interview nila in Youtube parang na-proud naman ako.”

Natutuwa raw si Pia at ipinagmamalaki niya kung papaano sumagot at makiharap ang kanyang mga anak sa mga interview noong panahon na hiningan sila ng pahayag sa pagpanaw ni Francis.

“Sana ituloy nila if gusto talaga nila… if they interested with the children I’m open din naman kasi. I’m glad they have the talent and people like to see them talaga,” idinagdag niya.

Sa halos siyam na buwan mula nang maging single mother, sinabi ni Pia na nagpapasalamat siya sa mga kaibigan na tumutulong sa kanya sa pagpapalaki ng mga anak katulad ni Michel V na nagsilbing pangalawang ama ng mga bata.

Ngunit bukod sa pinansiyal na tulong, binigyan-diin ni Pia na napakaimportante ng atensiyon na nakukuha nila sa mga kaibigan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *