Orchid Lois dot Com

June 8, 2009

Geoff Eigenmann’ Fernando Jose, Unexpected (Rosalinda)

geoff eigenmann as fernando jose in pinay rosalinda

Geoff Eigenmann says his role as Fernando Jose in Rosalinda came as a big surprise. To be honest, I have no idea who this Geoff Eigenmann character is. Maybe because he is an ABSCBN star and I have never switch channel from GMA 7 for years now.

The first time I heard the name Geoff Eigenmann was when the news that he’ll be the Fernando Jose of GMA 7’s remake of Thalia’s Rosalinda, which of couse stars Carla Abellana.

And here’s a news, according to Geoff Eigenmann himself, “Geoff Eigenmann says his role as Fernando Jose in Rosalinda came as a big surprise”.. yep I guess it is..

Here’s what we read:

Matagal nang naibalita rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na ang baguhang si Carla Abellana ang gaganap sa papel ni Rosalinda, na orihinal na ginampanan ni Thalia sa isang Mexican telenovela, sa local adaptation nito. Pero matagal bago nakahanap ang GMA-7 ng male star na gaganap sa bilang Fernando Jose Altamirano, na ginampanan noon ni Fernando Carrillo.

Kahapon, ika-7 ng Hunyo, sa isang mini-presscon ay pormal nang ipinakilala ang balik-Kapuso na si Geoff Eigenmann bilang si Fernando Jose.

Ayon kay Geoff, everything came as a surprise to him. Tila alam na raw yata ng lahat, except him. Ang ilang executives nga raw ng Kapuso network ang nag-break sa kanya ng good news.

“I came here sa GMA, yung manager ko, si Perry Lansigan, wanted me to have a meeting with Tita Lilybeth [Rasonable]. So, yun, sila ang nagsabi sa akin that I’m going to be Fernando Jose. It was really a surprise talaga and it’s like my jaw dropped, wala akong masabi. This is such a big project for GMA and I’m very excited about it. Happy ako na ako ang napili nila,” kuwento niya.

Dagdag ni Geoff, “Kasi, noong lumabas yung Rosalinda the first time, yung character nilang dalawa as Rosalinda and Fernando Jose, minahal silang talaga ng Filipino audience. So, yun, excited ako, at siyempre, kinakabahan din.”

FERNANDO JOSE. Aminado si Geoff na may kakambal na pressure ang project na binigay sa kanya ng Kapuso network. Una, pareho silang sasabak ng kapareha niyang si Carla sa lead role. Pangalawa, phenomenal ang success ng Rosalinda nang ipalabas ito sa Pilipinas via ABS-CBN.

So far, kalahati na ng 80 episodes ng Rosalinda ang napapanood ni Geoff.

“Pinag-aaralan ko talaga,” sabi ni Geoff. “Ang daming preparations na ginagawa. I’m watching the whole series. Nagpi-piano lesson ako, kasi si Fernando Jose, musician-lawyer. And with Carla naman, nagwo-workshop kami, getting-to-know each other.”

Ano naman ang naging impression niya sa gagampanang role upon watching it?

“Ako, actually, I find it hard to play Fernando Jose. One of the things para sa akin is music ang frustration ko. Never akong natutong mag-play ng instrument talaga. So, as Fernando Jose, pinipilit ko talaga how to play the piano.

“And with his characteristic naman, ang hirap, e. Childhood pa lang niya, sobrang hirap na. He lost his dad, maraming nangyari sa kanya when he was young na dumikit sa kanya until he gets older. Parang na-brainwash siya as a child kaya doon ako nahihirapan in playing Fernando Jose.

CARLA ABELLANA. Sa kanilang dalawa ni Carla, puwedeng sabihin na si Geoff ang mas inaasahan na magdala ng tandem nila at ng show mismo since mas experienced at mas matagal na siya sa business. Ano ang masasabi niya rito?

“Well, kung ako ang magdadala… Siguro nga, mas marami na akong experience than Carla. Pero, pareho rin kami. Pareho naming first big show sa GMA. So, for me, pareho kaming newbie. Pareho kaming may kailangang matutunan. May mga bagay kaming puwedeng ituro sa isa’t isa and learn from each other pa rin.

“So, wala naman akong iniisip na mas lamang ako sa kanya. Like I’ve said nga, we’re both coming in to this as a love team, so susuportahan ko siya,” pahayag ng pangalawang anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa.

Ayon kay Geoff ay nagkasama na sila ni Carla sa iilang pagkakataon, tulad sa ginawa nilang cinema plug at story conference ng movie. Kumusta naman silang dalawa?

“Okey kami,” sagot ng 24-year-old actor. “We’re doing really well. We’re getting to know each other more. Nagwo-workshop kami at may days na buong araw, magkasama kami. I’m getting to know her more and more, and I’m really happy. Excited ako na magsimula na kami para makaeksena ko siya.”

How does he find Carla as a leading lady?

“The first thing, as you can see naman, she’s very beautiful. When I met her pa lang, as soon as I entered the room, may jaw dropped na, kasi she really stands out in the crowd. And getting to know her more, nakakausap ko siya. She’s a very smart girl. Very educated.

“For me, she’s really perfect to be Rosalinda. Kasi yung nakikita ko kay Carla na sobrang similar kay Rosalinda, yung pagka-selfless na gusto nila, everyone around them, masaya than themselves.”

Yung tipo ba ni Carla ang posibleng ma-in love o magkagusto siya romantically?

Comments

  1. mary jessica says:

    halu po ang ganda2 nyo po ate carla tsaka ang gwapo nyo kuya geoff………bagay nabagay kau at ang ganda ng chemistry nyo…..#1 fan nyo po tlaga ako 4ever sana magkadebelopan na kau nu……good luck na lng ho sa inyong dalawa…..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *