Gabby Concepcion says he hopes Piolo Pascual and KC Concepcion stay happy

Pagkatapos ng teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo noong isang taon ay pansamantalang nagpahinga muna si Gabby Concepcion sa kanyang showbiz career. May mga lumabas na balitang tuluyan na raw iiwan ni Gabby ang pag-a-artista. Saan nga ba nagpunta ang aktor at ano ang kanyang pinagkaka-abalahan? “Kararating ko lang galing America, nag-bakasyon ako at namimili ako ng istorya. Siyempre naano ako sa audience ko, I owe it to them. Tulad ng pangako ko, gagawa lang ako kapag maganda para kakaiba,” pahayag ni Gabby. Naghihintay lamang daw siya ng magagandang projects.

Ngayon ay nag-taping na si Gabby para sa longest drama series in Asia, ang Maalaala Mo Kaya na mapapanood na sa April 2. Maganda raw kasi ang istorya at gusto rin ng aktor ang role niya dito. Makakasama ni Gabby sa episode sina Bangs Garcia, Frenchie Dy at Rodjun Cruz.

Kamakailan ay nabanggit ni Piolo Pascual sa kanyang pahayag na gusto niyang makausap si Gabby tungkol kay KC Concepcion at sa kanilang relasyon. Ngayon ay nagbigay na rin ng reaksyon si Gabby tungkol sa relasyon nina Piolo at KC sa kauna-unahang pagkakataon. “Basta masaya sila, okay sa akin iyon. Importante maging matibay sila sa intriga dahil ngayon, nalaman na sila. Pareho naman silang mabait na bata, okay lang. I’m sure it will work out,” seryosong pahayag ni Gabby. Botong-boto rin daw siya kay Piolo para kay KC. “Oo naman. Walang problema basta kung saan sila masaya, iyon ang importante,” pagtatapos pa ni Gabby.

Related posts:

    KC Concepcion is really happy Piolo Pascual has opened up about their relationshipKahit na si KC Concepcion ay nagulat sa pag-amin ng boyfriend na si Piolo Pascual...Angel Locsin is thrilled about Piolo Pascual’s confession about his relationship with KC ConcepcionAngel Locsin said she is overjoyed about Piolo Pascual’s revelation on The Buzz that he...

Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.

Posted in abs-cbn, Actress/Actor. Tagged with .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>