Orchid Lois dot Com

November 21, 2009

Dingdong Dantes on new Family Feud Host

Ganadung-ganado si Dingdong Dantes nang mag-taping siya para sa bago niyang hosting job sa Family Feud noong Huwebes ng gabi, Nobyembre 19, sa GMA-7. Sa November 30 ang una niyang labas sa naturang game show kunsaan pinalitan niya si Richard Gomez. Hindi niya inakala na isang araw ay tatayo siya bilang host nito.

“Natatandaan ko pa kasi ang time na naglaro kami sa Family Feud. Team Dyesebel pa kami noon. Muntik na kaming manalo that time. Kaya napapangiti ako kasi hindi ko inakala na balang araw I would be experiencing this bilang game show host na.

“Alam ko na nakapag-establish na si Richard Gomez sa show na ito and that is a tough act to follow. Kaya ginagawa ko rin ang mga ginagawa rin ni Goma. I am being natural and I am enjoying every minute of the show,” ngiti ni Dong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *