Orchid Lois dot Com

November 25, 2009

Dingdong Dantes excited to work with Marian Rivera again

Ayon kay Dingdong Dantes, posibleng hanggang summer 2010 pa magra-run ang Family Feud. Ito ang dahilan kaya hindi pa niya masabi kung magsisimula na ba siya ng panibagong soap opera sa GMA-7 since magtatapos na ang Stairway to Heaven nila ni Rhian Ramos.

“Parang pangit din naman yata na dalawang beses kang nakikita sa primetime,” banggit ni Dingdong.

May balitang magsasamang muli sina Dingdong at Marian sa pelikula at telebisyon next year. Totoo ba ito?

“Definitely, yes! Darating ang next year na magkakasama kaming muli. Maaaring sa TV or pelikula, or kung hindi man, sa stage play!” biro pa niya.

After his successful team-up with Rhian Ramos in Stairway To Heaven, gusto pa ba niyang makatrabahong muli ang young actress?

“It’s, of course, beyond my control,” sagot ni Dingdong. “Ang buhay naman kasi ng isang tandem, nakasalalay sa istorya, sa tamang material. Maaaring magkamali ‘yan kung hindi maganda rin ang susunod.┬áSo, kung sinuman at kung anuman ang susunod, we have to be careful.”

Personally, gusto ba niyang makatrabaho muli si Rhian for his next drama series?

“Ako, mas excited ako na makatrabahong muli si Marian,” pag-amin niya.

May usap-usapan naman na ang gagawin nina Dingdong at Marian na primetime series ay remake ng isa sa “Endless Love” Koreanovela na ipinalabas sa GMA-7. Alinman daw sa Autumn In My Heart, Winter Sonata, at Summer Scent ang magsisilbing reunion project ng dalawa.

Kung sa huling interview ng press kay Dingdong ay hindi pa niya masabi kung ano ang Christmas gift niya kay Marian, sa pagkakataong ito ay inamin na niya kung ano ang ibibigay niya sa kanyang rumored girlfriend. (CLICK HERE to read related story.)

Isa itong Darna chair na pinasadya pa raw niya talaga. Pero nangiti si Dingdong nang sabihin namin na siguradong may iba pa siyang regalo bukod dito at umoo na lang siya. Kung ano yung iba pa na yun, hindi na niya binanggit pa.

Second Christmas na nila ni Marian na magkasama bilang couple. Would he say na mas masaya ngayon kumpara last year na magulo pa ang sitwasyon ng relasyon nila?

“Masaya… hindi magulo yun,” nakangiting paglilinaw ni Dingdong. “Pero happy ako nun. Magulo kasi yung sitwasyon, pero yung stability, happy ako.”

Tila wala yatang kapaguran si Dingdong, lalo na ngayong linggong ito dahil sa dami ng projects at activities niya na naka-schedule. Hindi ba siya napapagod sa dami ng ginagawa niya?

“Well, actually, okey naman, nama-manage naman lahat. Medyo nakakaramdam lang ako ng pagod kapag nagkakaroon ng schedules na biglang pumapasok. Pag ganun, medyo mahirap,” nakangiti niyang sabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *