Orchid Lois dot Com

June 6, 2009

Cristine Reyes vs. Carla Abellana in Rosalinda

Cristine Reyes will play Carla Abellana’s kontrabida in Rosalinda if she returns to GMA-7. This is the news that was published in PEP a few days back. We all know that Cristine Reyes is currently in contract with ABS CBN.. Her sexy role in Eva Fonda is hot, why would she accept the antagonist role in Carla Abellana’s Rosalinda?!

If lilipat nga sya, we now have the following in the cast, Carla Abellana and Geoff Eigenmann and Cristine Reyes.

Here’s what we read:

“Para sa akin, mas challenging itong Rosalinda. Kung ako ang masusunod talaga, gusto kong gawin ito. Okay lang po kahit nagbida na ako sa Eva Fonda, maganda naman kasi itong project, e,” says Cristine Reyes.

Actually, last week pa naghihintay ng development si Cristine, ngunit ayaw muna niyang ipasulat ito hanggat wala pang katiyakan talaga. Subalit dahil two weeks na siyang hindi nagte-taping sa gag show na Banana Split, kung saan isa siya sa regular cast, nagsimula nang pumutok ang balita at espekulasyon na mag-aalsa balutan na nga siya sa Dos.

Kaya naman muling kinulit ng PEP si Cristine kung puwede na naming maisulat ang ilan sa mga “ikinumpisal” niya sa amin last week nang isakay niya kami sa bagong biling sasakyan niya na isang red Dodge SUV. And through cellphone, kinuha namin ang ilan sa mga bagay na puwede nang mai-reveal dito sa PEP.

“Hindi na ako nag-taping last-last week pa ng Banana Split,” panimula ni Cristine.

“May mga bagay-bagay kasi akong hindi nagustuhan e. Ayoko nang i-elaborate, dahil baka sumikat pa kung tukuyin ko kung ano yun,” dagdag niya, na ayaw ipabanggit ang tinutukoy na isa sa cast ng naturang gag show ng ABS-CBN.

Sinabi rin ni Cristine na hindi natuloy ang meeting ng manager niyang si Veronique del Rosario ng Viva Artists Agency sa management ng GMA-7 noong Martes, June 2. “Pero kapag okey na, kapag naplantsa na ang lahat, ipapaalam ko po agad sa inyo,” pangako ni Cristine.

Ayon pa sa StarStruck alumna, ang kampo na lang niya ang hinihintay para maumpisahan na ang taping ng isang bagong soap sa Kapuso Network. Napag-alaman ng PEP na nakatakdang gumanap si Cristine bilang kontrabida ng baguhang si Carla Abellana sa Rosalinda at makakasama rin dito si Geoff Eigenmann.

May isa pang TV series na in-offer kay Cristine ang Siete, kaya lang ay tinanggihan niya iyon dahil hindi niya raw feel na makasama ang bida rito.

Sinabi pa ni Cristine na kung siya ang masusunod, gusto niyang gawin ang Rosalinda. “Para sa akin, mas challenging itong Rosalinda. Kung ako ang masusunod talaga, gusto kong gawin ito. Okay lang po kahit nagbida na ako sa Eva Fonda, maganda naman kasi itong project, e.”

FHM’S SEXIEST LIST. Tungkol naman sa biglaang pag-angat niya ngayon at pagiging numero uno sa FHM 100 Sexiest Woman, na in the process ay naungusan niya sina Marian Rivera at Angel Locsin, inusisa namin ang younger sister ni Ara Mina sa pakiramdam niya hinggil dito.

“Wow! Happy ako siyempre, pero ayaw ko munang umasa. Kumbaga, gusto ko yung sure na talaga na ako nga po ang No. 1. Para happy talaga! Basta sa ngayon ay happy ako, pero hindi ko muna iniisip masyado until final na po yung survey.”

Pero para sa kanya, sino ba ang mas sexy between Angel and Marian?

“Para sa akin, mas sexy is Angel Locsin. Kasi comment niya noon nang na-interview siya sa SNN, ako raw ang sexy, e!” tawa niya.

Dagdag niya, “Pero, of course, in-a-acknowledge ko sina Angel at Marian, mga sikat at pareho silang sexy talaga at marami na silang napatunayan. ‘Tsaka pareho na silang nag-No. 1 sa FHM, e.”

Sa palagay ni Cristine, ano ang edge niya sa dalawa at ano ang sexiest part ng body niya?

“Edge? Hindi ko po alam, kayo na lang po ang magsabi. Ang masasabi kong edge… Ano nga ba? Ha-ha-ha! Hindi ko po talaga alam, e. Sexiest part ng body ko? Para sa akin ay legs ko po!” nakatawang saad niya.

Source:
http://www.pep.ph/news/21988/Cristine-Reyes-will-play-Carla-Abellana

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *