Orchid Lois dot Com

Paolo Contis,Excited First Time Dad!


Sa Startalk kahapon, January 9, ibinalita ni Paolo Contis na posibleng end of February or first week of March na ang pagsilang ng kanilang anak ni Lian Paz.

Alam na nga nila kung ano ang ipapangalan: Xonia Aitana.

Ayon kay Paolo, “Aitana is an Italian name na it means, the glorious woman. Ang bait-bait, ‘no? Hindi maliligawan,” biro pa niya.

At hindi pa man lumalabas ang baby ay naka-tattoo na raw sa right shoulder niya ang pangalan nito na ipinakita niya sa Startalk.

“I’m very excited, sa lahat ng aspeto,” sabi niya. “Sabi ko nga, every time na nagwo-work ako, gusto kong umuuwi agad. Kasi gusto kong maramdaman ang galaw. Kasi alam ko ang oras ng galaw ng baby, usually gabi. Feeling ko, daddy’s girl ‘to.”

Read more

Georgina Wilson on ex-boyfriend Richard Gutierrez

Georgina Wilson

Kagagaling lang ng model na si Georgina Wilson from Boracay. Limang araw na nagbakasyon doon ang modelong naging girlfriend ng aktor na si Richard Gutierrez.

Kapansin-pansin nga ang tan ni Georgina, lalo na sa shoot ng “Beautiful Girl” music video ni Christian Bautista kahapon, January 6, kung saan nakasama niya, bukod kay Christian, sina Anne Curtis, Solenn Heusaff, at Angel Locsin.

“I stayed away from any controversy,” says the gorgeous Georgina to PEP (Philippine Entertainment Portal). “I just led a peaceful life even during the time that we have still a relationship. It didn’t really give me a hard time. I was more shy before, I think.”

Wala raw naging problema kay Georgina even during the time na nada-drag na ang pangalan niya sa mga intriga involving Richard.

“Alam ko naman kasi ang totoo, so I wasn’t bothered,” she says. “I think if you will just let it pass, I never thought there was a need to react. The press naman was so nice to me. Hindi naman kasi nila ako kilala. Good thing they didn’t say anything bad.”
Read more

Joross Gamboa is The Newest Kapuso Star


Sasalubungin ni Joross Gamboa ang taong 2010 ng maraming bago sa buhay niya. Bukod sa pagkakaroon ng bagong manager sa katauhan ni Noel Ferrer, may bagong “tahanan” din ang young actor dahil sa bago niyang show, ang First Luv ng GMA-7.

Isa nang Kapuso ang dating questor ng Star Circle Quest ng ABS-CBN simula sa 2010.

Bago magtapos ang 2009 ay nakapagdesisyon si Joross na hindi na mag-renew ng panibagong kontrata sa kanyang manager na si Becky Aguila. Pero ayon sa young actor, naging maganda naman ang pag-uusap nila ng dating manager.

“Tapos na yung contract ko with Tita Becky,” sabi ni Joross sa PEP (Philippine Entertainment Portal). “Maayos naman yung naging pag-uusap namin. Kumbaga, on my part, gusto ko naman siguro na mag-try ng bagong management. New year, parang sige, bago naman lahat.
Read more

Daiana Meneses Dating Carlos Guevarra – Couples?

Daiana Meneses (or Dianna Meneses) is exclusively dating Carlos Guevarra. This is according to her in an interview with Manila Bulletin. Although she said that they are dating, the boyfriend stage is not there yet. Daiana Meneses considers someone as a boyfriend if they have been going out and new the person for at some 3 years or so (that’s wayyy tooo long).

“We’re together. I cannot tell you na boyfriend ko na siya kasi parang maaga pa. I should know him for at least three years to call him boyfriend. I don’t wanna call him my boyfriend. You can say we’re exclusively dating,” explains Daiana in an interview with Manila Bulletin Entertainment Online after GMA-7’s press party on Dec. 14.

Read more

Bayani Agbayani, Kapuso Again!


Pagkatapos magulantang ng marami sa pagpirma ni Claudine Barretto ng two-year contract sa GMA-7 kahapon, isa pang Kapamilya ang lumipat na sa bakuran ng Kapuso network.

Kinumpirma kahapon, November 25, ng komedyanteng sia Bayani Agbayni ang paglipat niya sa Kapuso network. “Ako po’y lumipat na sa GMA-7,” aniya nang mainterbyu siya sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ.

Ano na ang mga programa niya sa bago niyang tahanan?

“Hindi muna puwedeng sabihin, pero ang makakasama ko, hopefully, sana matuloy, awa ng Diyos, si Mommy Dionisia [Pacquiao], at saka the champ, Manny Pacquiao,” sagot ni Bayani. Iba pa raw ang show na ito sa umeereng Show Me Da Manny nina Pacman at Marian Rivera.

Pero napag-alaman ng PEP na ang mga programang gagawin ni Bayani sa GMA-7 ay ang Todo Bigay, kung saan makakasama niya sina Manny at Mommy Dionisia, at ang early primetime series na First Luv, na pagbibidahan naman nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza.

Ano ang dahilan ng paglipat niya sa GMA-7? Nagbigay ba siya ng time frame sa ABS-CBN na kung hindi siya mabibigyan ng trabaho ng istasyon, tatanggapin niya ang alok ng rival network nito?

“Hindi naman,” sabi ng komedyante. “Sabihin natin na talagang napakalaki naman ng naitulong sa pamilya ko ng ABS-CBN. Kaya lang, talagang ganyan ang negosyo, ganyan ang business ng network. Minsan may trabaho ka, minsan wala. Ang sarap siguro ng may tinatrabaho. Kailangan kumilos ka, siyempre, may binubuhay ka ring pamilya. May iniisip kang mga plano para sa iyong career.”

Totoo bang nagpalit na rin siya ng manager?

“Si Tita A [Angge o Cornelia Lee], nandiyan pa rin sa likuran ko. Kaya lang, meron na rin akong manager na tutulong sa akin sa pagpaplano ng career ko sa GMA-7, si Noel Ferrer. Dati ring nasa ABS ‘yan, ngayon nasa GMA na siya. Si Tita A nandiyan pa rin para maging consultant,” ani Bayani. (Si Noel ang siya ring manager ni Ryan Agoncillo.)

Hindi raw alam ni Tita A ang paglipat niya sa GMA-7. Totoo ba ito?

“Nagpaalam ako kay Tita Cory [channel head ng ABS-CBN], nagpaalam ako sa ABS, at nagpaalam din ako kay Tita A bago ako pumunta ng GMA-7. Hindi si Tita A ang kinuha ko para sa GMA, kasi alam naman natin na si Tita A nagtatrabaho sa ABS-CBN. So, para mas mabilis na rin ang proseso, si Noel Ferrer na lang, na mismong si Ma’am Wilma Galvante [SVP for Entertainment TV ng GMA-7] ang nagbigay sa akin para mas alagaan ang aking career sa GMA.”

Dagdag ni Bayani, “Galing naman ako sa GMA. Diyan galing ang Bayani Agbayani, si Ma’am Wilma ang nagbigay sa akin niyan. Ninang ko kasi siya sa kasal. Parang nagbalik-bahay lang ako. At siyempre, kung ano ang nasimulan ko, dun na rin ako matatapos. At doon na rin ako tatanda.”

Naging bahagi si Bayani ng morning program na Katok Mga Misis at ng variety show na Salo-Salo Together (SST) noong mid-’90s.

Wala bang counter-offer ang ABS-CBN sa kanya nang magpaalam siya?

“Actually, kay Tita A talaga ako nagpaalam,” sabi ni Bayani. “Nag-thank you ako kay Tita Cory, at sa ABS-CBN sa mga nagawa nila sa akin. Talaga namang sobra ang pagbabago sa pamilya ko. Naging masarap ang buhay namin sa tulong ng ABS-CBN, kaya nagpasalamat ako sa lahat ng tulong nila sa akin.

“Nung umalis naman ako sa GMA,” patuloy ni Bayani, “nagpunta ako sa ABS-CBN. Nagsisimula pa lang ako nun, wala akong sinabing masama against GMA-7, doon ako nagsimula. Malaki ang naitulong nila sa akin para makapasok ako ng ABS-CBN at mapagsimulan ko ang pagiging artista ko.

“Dapat naman gano’n lagi, e. Para sa akin, ang bawat artista gano’n lagi ang sinasabi kesa siraan ang isang network. Kasi sa totoo lang, business ‘yan, negosyo ‘yan. Kung ano ang sabihin ng nasa itaas, dapat igalang natin. Ito ang trabahong alam natin, ito yung trabahong pagbubutihin natin, saka ito ang trabahong bubuhay sa atin kaya dapat pagbutihin natin,” saad ni Bayani, na ngayon ay balik-Kapuso.

Legendary Guitar Maker, Les Paul Dies

Here’s full length documentary for the legendary guitar maker, Les Paul who died of pneumonia complication today. He was 94.



Jomari Yllana’s Message to Martin Nievera

This is an original PEP.ph article entitled “Jomari Yllana to Martin Nievera: Bat ka Nakikisawsaw”. If you ever seen the talk show hosted by Anjo Yllana and that lady in Bear Brand commercial *smile*, then you know that Jomari Yllana released a statement for the issue of their break up with Pops Fernandez… and some messages to Martin Nievera.

Here’s what we read:

Read more

Vicky Belo versus Boy Abunda

This Vicky Belo versus Boy Abunda issue has been in the news for a few days now and I think its worth a while to mention here. First heard the statement not from Vicky Belo or the TV show but from my wife who’s been watching the showbiz tv show that time…

Here’s what we read:

Popular cosmetic surgeon and “Doctor to the Stars” Vicky Belo sitting in as guest in GMA 7’s Showbiz Central for an interview with Mo Twister last Sunday, February 22, made a comment against talent manager/TV host, Boy Abunda.

“And I’d like to say, if you want to look like Boy Abunda, then go to Calayan. But if you like to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual, come to Belo.” said Belo.

In response to Belo, Abunda said in ABS-CBN’s Showbiz News Ngayon (SNN): “Matagal na panahon kaming nagsama ni Vicki. And Vicki, if you’re watching, alam mo na kahit kailan, kahit kailan, hindi ako namuhunan sa gandang panlabas. Alam mo, namuhunan ako ng lakas ng loob, sipag, tiyaga, dasal. At Vicki, wala akong ilusyong maganda ako, wala akong ilusyon. Pero wala rin sinumang may karapatang manlait sa aking pagkatao.”

Meanwhile, Dr. Manny Calayan fires back at rival Belo for her comment. “We are behind Boy Abunda, 101 percent. We understand his feelings and reactions to the ridiculing and insulting remarks he sustained from Dra. Belo. Promoting one’s business or services by stepping on someone was uncalled for,” said Calayan.

Another crazy thing that Dr. Calayan mentioned is that Dingdong Danter was from Calayan group before..We made him that way… one shot for Vicky Belo I guess.

Dingdong Dantes, Karylle still in touch even after breakup

Yes, everyone knows that Dingdong Dantes and Karylle part ways a couple of weeks back… No one is commenting or saying anything about the reason of the breakup but did mentioned (by Dingdong) that it has nothing to do with Marian Rivera… Sure.

ANyway, Dingdong Dantes, Karylle still in touch even after breakup… they do have business partnerships diba?

Anyway, The Dingdong-Karylle breakup: The whole story …

here’s what we read…

Ely Buendia, Alive And Kicking! Now Promoting!

After two months of rest, Ely Buendia is now back to normal, promoting THe Pupil’s second single on their second album, “Wildlife”.

Last Saturday was one long saturday for Ely Buendia.. It started when ELy Buendia performs with Francis Magalona on Eat BUlaca with the song Super PRoxy (which was suppose to be in the second set of their Eraserheads Reunion Concert).

Now Ely Buendia is bouncing back… here’s what we read:

Read more

LJ Moreno is “Singles”

Catchy eh? Nope, we all know that LJ has been building a career in teaching. But now she’s returning to acting with her new show “Singles”

This is the freshest news that we read on PEP… just want to share with you guys.

Here’s what we read:

LJ Moreno is making a comeback as a Viva Artist Agency (VAA) talent via the movie Singles wherein sa kanilang magkakabarkada sa movie (Mylene Dizon, Desiree del Valle, Angelu de Leon and Rufa Mae Quinto), she’s the most conservative and yet, unang nabuntis at nag-asawa.

Read more

Luis Manzano Talks About Angel Locsin (and others)

luis manzano angel locsin

Here’s some of the interview with Luis Manzano by the Philippine entertaiment Portal. Mostly the interview talks about his and his relationship (personal? professional?) with Angel Locsin.

The first set of questions was of course about the rumored boyfriend/girlfriend relationship thing.

Here’s what we’ve read:

Read more