Orchid Lois dot Com

Will Sarah Geronimo agree to do a kissing scene with Gerald Anderson?

Box Office Queen Sarah Geronimo will soon return to the big screen with new leading man Gerald Anderson in the next Star Cinema offering Catch Me…I’m In Love. Coming from the success of her big screen pairing with John Lloyd Cruz, Sarah was relieved when she learned that many fans are excited over her new partnership with Gerald. “Kung nakikita nga ng mga tao na may chemistry sa amin ni Gerald, para sa aming dalawa, relieved kami. Masaya kami na ngayon pa lang meron nang natutuwa sa pagsasama namin.”

This project enabled Sarah and Gerald to get to know each other and become good friends—they even have pet names for each other. “Nagsimula ‘yun nung concert ko. Naririnig ko kasi na ‘yung mga tao ang tawag sa kanya, ‘Ge.’ Sabi ko sa kanya para maiba naman, tatawagin ko siyang, ‘Ge-Ge.’ Sabi ko rin na kung gusto niya, pwede niya akong tawaging ‘Sasa’ ha ha ha!”

The Pop Star Princess and the Action Drama Price have both been mainstay stars of ASAP for the past few years now, but the busy pace backstage of the program had prevented them from having the chance to sit down together and enjoy a friendly chat. Now because of the shooting days for Catch Me…I’m In Love Sarah discovered something about Gerald. “Very professional si Gerald. Kapag gagawin na namin ‘yung eksena mararamdaman mo talaga ‘yung dedication niya para mapaganda ‘yung eksena. Napaka-gentleman din niya.”

She added the despite the long hours of shooting, everyone on the set still manage to have fun. “Napaka-stress-free ng mood sa set. Kahit na napaka busy na namin lahat dahil napakalapit na ng play date, masaya pa rin kami lahat na nagtatrabaho. Masaya ang lahat. Kaya ‘Thank you, Lord!’ sa lahat ng aming katrabaho.”

With her wholesome image, Sarah has chosen not to do daring scenes and go sexy in her movies. But would she finally agree to do a kissing scene with her leading man? “Ha ha ha! Hindi ko po alam! Hindi pa namin alam pareho ang magiging ending ng movie. Ha ha ha!” Sarah laughed.

Sarah explained that at this point in her career she feels that she can still do away without kissing scenes. “Lagi ko naman pong sinasabi na, nagawa naman namin sa A Very Special Love at sa You Changed My Life [na walang kiss]. Sana dito magawa namin ng maayos.”

Kristine Hermosa and Oyo Sotto share their thoughts on having a baby

Isang very private na kasalan ang ginanap sa Balai Isabel sa Batangas last January, ang kasalang Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Dinaluhan ito ng mga pinakamalalapit na kaibigan at kapamilya ng dalawa. Pagkatapos ng nasabing kasalan ay pansamantalang nawala muna sa limelight ang mag-asawa para sa kanilang honeymoon. Bakit nga ba mas pinili ng dalawa na hindi isa-publiko ang kanilang kasal? “We wanted a full coverage sana, kaso ilang weeks na lang before the wedding, napag-isipan namin ni Tin na we really want it to be private talaga,” paglilinaw ni Oyo.

Ayon pa sa aktor ay naging masaya at masarap daw ang naging honeymoon nilang mag-asawa. Ngayong kababalik lang nila mula sa kanilang honeymoon ay marami na ang naiinip sa pagbubuntis ni Kristine, na ang balita ay nahihirapan daw magbuntis ang aktres dahil sa kanyang health condition. “Malapit na ngang magbuntis, tsismis lang yun baka bukas buntis na si Tin. Hindi n’yo alam kaya maluwag yung suot niya,” nakangiting sagot ni Oyo. “Bahala na si God kung ibigay niya agad sa amin, kung hindi I guess hindi pa yun ang right time,” pahayag naman ni Kristine.

Samantala, marami rin ang nagtatanong kung papayagan pa ba ni Oyo si Kristine na magbalik-showbiz ngayong bubuo na sila ng isang pamilya? “Oo naman, ‘di ko naman siya (Kristine) pagbabawalan. She knows her limitation naman. Alam niya kung hanggang saan lang so if she wants to work okay lang basta okay yung schedule. Huwag lang masyadong busy tulad ng dati. Doon, ayoko talaga, siyempre gusto ko naman ng pamilya,” pagtatapat ni Oyo. “We’ll see kapag may magandang offer or projects. It depends on the limitations namin ni Oyo, medyo maselan yung limitations na iyon,” sagot naman ni Kristine.

Sarah Geronimo: ‘Karapatan ko ring ipagtanggol ang sarili ko, ang pamilya ko.’

Kung pagbabasehan ang mga pahayag ni Sarah Geronimo ay tila nakabuti para sa Pop Star Princess ang kanyang pagsasalita hinggil sa naging relasyon nila noon na si Rayver Cruz at isyung kinasangkutan kasama si Cristine Reyes na girlfriend naman ngayon ni Rayver.

Pero nilinaw ng singer-actress na hindi naging madali ang kanya ang pagsasalita. “Siyempre hindi po madali. Nung una po, ayoko na talagang pag-usapan, ayoko nang mabulatlat pa, pag-usapan ‘yung mga pangyayari pero wala, eh. Masyado na kasing masakit para hayaan ko ang ibang tao na ganituhin ako, ganituhin ang pamilya ko lalong-lalo na, so kailangan ko na rin talaga,” depensa ni Sarah.

Sinabi ni Sarah sa panayam sa kanya ng The Buzz na naudyok siyang magsalita dahil sa pagsasalita nina Rayver at Cristine at para maipagtanggol ang sarili. “Kasi nagsasalita na rin sila. Para naman akong tanga kung ‘di na ako magsasalita. Meron naman akong dila. Karapatan ko rin namang ipagtanggol ang sarili ko, ang pamilya ko,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Sarah, mas gumaan daw ang pakiramdam niya na nailabas na niya ang kanyang saloobin hinggil sa kontrobersyal na isyu. “Masyado mong kino-contain ang emotions mo, wala kang outlet, wala kang mapagsabihan. Mas naging relaxed (ako ngayon). Mas okay po ako ngayon na nakakapagsalita na ako. Hindi tulad noon na itatago ko talaga.”

Mas natuto raw siyang maging matatag dahil sa mga pangyayari. “Ang maganda don natututo tayo sa mga experiences natin, sa mga pagkakamali natin. Ginagawa tayong malakas na tao, kumbaga stronger and wiser. Nagpapasalamat ako sa mga pinagdaanan ko. Sana maintindihan ng ibang tao na ako, na kami, ay mga tao lamang din.” Matagal na rin daw siyang naka-move on mula sa paghihiwalay nila ni Rayver noon.

Samantala, patuloy naman daw ang pagganda ng relasyon nila ng kanyang leading man na si Gerald Anderson sa ginagawa nilang pelikula, ang Catch me…I’m in Love’. “Nabawasan na po ‘yung ilangan. Nahahampas ko na siya. Okay na kami, mas komportable kami sa isat-isa, ngayon lang kami nakakapag-usap,” kuwento ni Sarah tungkol kay Gerald. “Nagulat nga ako sa sarili ko, nabibiro ko na siya, ‘di tulad noon na ‘di ako nakakapagsalita. Kino-contain ko ‘yung tensyon, ‘yung kilig. Ngayon nasasabi ko na at mas masarap pala sa pakiramdam.”

Coco Martin says ‘Minsan Lang Kita Iibigin’ is a big challenge for him

Although Coco Martin is known for being an intense actor, he confessed that he finds it difficult to play dual roles in his launching teleserye, Minsan Lang Kita Iibigin, which will start airing this March 7 on primetime. Coco plays twins Alexander and Javier who get separated when they are babies and then grow up living extremely different lives. “Sobrang hirap akala ko ganun-ganun lang ‘pag pinapanood ko,” the actor described.

He recalled that he did a scene which started at 1 pm and ended at 3 am the following day. “Sobrang hirap. ‘Yung gusto ko nang umiyak sa sobrang hirap kaso wala naman akong magawa kundi [sumunod], siyempre trabaho [so] kailangan tapusin.”

Nevertheless, his hard work paid off because Coco wowed the members of the media during the press preview of the upcoming teleserye at the Podium Cinema last Wednesday, February 23.

The Prince of Indie movies explained that he did his homework to make sure that each of his two characters is distinct from each other. Coco is also thankful to his directors for helping him out. “Actually inaral naman namin kung paano maging magkaiba talaga, kung paano kumilos, gumalaw, pati mag-isip yung dalawang characters. Medyo binabantayan naman nang maigi ng mga direktor ko kaya maayos nman naming naisagawa ang dual characters.”

Coco portrays one character who is a military officer while the other is a rebel. “Mahirap kasi nag-train ako sa military para sa tamang kilos, tamang galaw, tamang moves and then nag-research ako tungkol sa character kong rebelde and then may mga kinausap din ako sa mga taong taga-bundok para makakuha ako ng maraming impormasyon tungkol sa character ko.”

While his characters require hard work, Coco said that acting opposite seasoned actors added a lot of pressure. His co-stars include Lorna Tolentino, Amy Austria-Ventura, John Estrada, Tonton Gutierrez, and Ronaldo Valdez. “Nakakatakot, nakaka-pressure, syempre mahirap magkamali. Alam namin ‘pag dumating sa set ‘yan laging ready so kahit paano kailangan naming sabayan sa pagiging professionals.”

Meantime, Coco is also happy to work again with Maja Salvador with whom he worked with in the previous afternoon soap opera Nagsimula sa Puso. The character actor explained that it is always a delight to work with Maja because she is a good actor and exudes good vibes on the set. His other leading lady is Andi Eigenmann. “Pangalawang beses na namin itong nagkatrabaho ni Maja, napaka-professional at napakabait at napakahusay na artista at ganun din naman si Andi. Wala kaming ginawa kundi magtawanan.”

Kim Chiu makes it to Empress’s debut

Although she had not committed to being part of the 18 Treasures ceremony of Empress’s debut, Kim Chiu was a welcome surprise when she made it just in time for the friendship ceremony to begin. Kim had rushed to the party after finishing work on a new ad campaign. During her turn on stage, the 21 year-old said she was not able to bring a gift but told the debutante that she was really happy to be there for Empress on her big day.

“Hindi ko kasi alam na aabot ako dito sa 18 Treasures mo kaya hindi ako prepared sobra. Hindi ko kasi alam talaga kung kaya ng sked kaya hindi ako nagpalista. Hindi ako nakapag-ready ng regalo kasi sabi hindi ako kasali sa 18 Treasures kasi nga meron akong schedule kanina. Sabi ko kanina sa trabaho ko kung puwedeng mabilis matapos para makasunod ako sa birthday. Nung tumawag ako, sabi kakasimula lang so binilisan namin so umabot kami,” she said happily.

Kim gave Empress a simple message during the party. “Maraming maraming salamat sa friendship. Basta ang Chuirigogobaschu andito pa rin para sa ‘yo. Gusto ko maging laging masaya ka lang and sana marami pang projects. And sana mas marami pang blessings na dumating. Sana hindi ka magbago. Utang muna yung gift ko ha (laughs),” she said during Empress’s debut party held at The Grand Terrace last February 19.

Kim said that within her circle of friends, she is known for giving gifts after the actual occasion has passed. “Ganun naman talaga ako magbigay ng regalo (laughs). Lagi-lagi talagang delay kasi titingnan ko muna yung mga gifts ng iba tapos saka na ako magbibigay ng regalo,” she said.

Kim said that she already has an idea of what she will get for Empress once she finds the time to shop for it. “Kay Empress kahit ano basta pink puwede na sa kanya (laughs). Parehas kami ng gusto pero sa kanya more of rocker na pink, yung sa akin naman parang baby doll pink,” she explained.

The two first got to know each other during an intensive acting workshop that ABS-CBN had for its talents. “Andami naming nagsama-sama for 14 Sundays. So every Sunday kami magkakasama ng mga six hours,” she recalled.

During Empress’s party, Kim dispelled rumors that their barkada, which they dubbed Chiurigogobaschu (combined from the last names of Kim Chiu, Melissa Ricks, Erich Gonzales, Beauty Gonzales, Kitkat Banas, and Empress Schuck), are not all on good terms right now. “Hindi naman ganun. Dumaan lang kami sa maraming intriga at tsismis na hindi naman totoo. Gaya na nag-aaway away kami o maghihiwalay. Sabi ko bakit naman iniintriga tayo. Eh wala naman talagang nangyayari. Para sa amin wala lang, wala lang talagang time minsan na maging kumpleto kami,” she said.

Kim also denied that her friendship with Maja Salvador is another cause of problems within Chiurigogobaschu. “Naging close friend ko rin kasi si Maja kasi nagsama kami dun sa U.S. tour namin for three weeks. Every day kami magkasama tapos magka-roommates pa kami so naging close din kami. Hindi ko alam bakit nabibigyan ng issue yung mga ganun. Hindi naman totoo, parang magkakaibigan naman kaming lahat. ‘Wag na lang natin lagyan ng kulay kung ano man yung nangyayari sa amin,” she stressed.

Empress denies not inviting Kim Chiu to her 18th birthday party

Ilang araw bago maganap ang kanyang debutante party ay nagkaroon ng mild accident si Empress sa kanyang bahay. Kuwento ng aktres, papunta siya sa comfort room sa kanilang bahay nang mabangga nito ang pinto na akala niya ay bukas. “Madilim, naglalakad ako, nabangga ko ‘yung glass door. Akala ko kase bukas siya. Nagkaroon ng minor injuries,” kuwento ng aktres sa The Buzz kahapon. Gayunpaman very thankful ang aktres na kahit nagkaroon siya ng stitches sa noo ay hindi seryoso ang aksidente niyang natamo.

Ipinaliwanag din ni Empress na hindi totoong hindi niya inimbita ang kaibigang si Kim Chiu sa kanyang birthday party. “January pa lang inilista ko na ‘yung 18 roses and 18 treasures ko and sinabi na ng handler ko na may gagawin na si Kim ng February 20. Sabi ko, ‘patay naunahan na ako.’ Siyempre kami pong mga artista hindi madaling ma-move ‘yung sched namin, so parang ngayon hopeful na lang ako na sana makaabot siya kung anong meron siya ngayon,” paliwanag ni Empress hours before her birthday celebration. Dagdag pa ng aktres, kung may mga lumalabas na kwento na nag-away daw sila ng grupo niyang Chiurigogobaschu— na kinabibilangan ni Melissa Ricks, Erich Gonzales, Kitkat at Beauty Gonzales—ay hindi ‘yon totoo. “Kahit ano pong lumalabas hindi lang po sa amin ni Kim, kahit sa aming grupo hindi po totoo lahat ‘yon.”

Hindi rin daw big deal kung wala siyang escort sa kanyan debut. “’Yung pagkakaroon ng escort hindi siya special, hindi siya big deal sa akin. Wala po akong special someone, never naman akong nagkaroon, so okay lang po na solo flight.”

Depende rin daw sa proyekto kung papayag na siyang makipag-kissing scene ngayong dalaga na siya. Pero kung pipili siya ng unang makaka-kissing scene ay gusto niya itong maging si Enchong Dee. “Kasi po si Enchong siya po talaga ‘yung pinaka-close ko na lalaki sa show business. Nung nagsa-start po siya, kami ang naging close, hanggang ngayon close kami. Nag-love team kami dati. Isa po talaga siya sa mga tina-trust ko na kaibigan. Kung magkakaron ng kissing scene hindi na kailangang mag-ilangan,” tapos ni Empress.

Naluha naman ang dalaga nang biglang handugan siya ng isang espesyal na awitin ng kanyang ama sa live show mismo ng The Buzz.

Kim Chiu reacts on basketball player Simon Atkins liking her

Mukhang nauuso ngayon ang ligawan sa Twitter dahil last week ay naging kontrobersyal ang palitan ng mensahe nina Phil Younghusband at Angel Locsin sa nasabing social networking site. Inimbitahan kasi ng football player via twitter ang aktres para isang romantic Valentine date at in-entertain naman ni Angel si Phil kaya pinag-usapan ito sa buong showbiz industry.

Isang panibagong athlete naman ngayon ang nag-post sa Twitter ng pangalan ni Kim Chiu with a smiley, ang basketball superstar na si Simon Atkins. Desididong makilala ni Simon ang aktres dahil nakiusap din daw ito sa kaibigan niyang si Josef Elizalde na ipakilala siya kay Kim. Ayon pa kay Simon ay hindi pa naman daw niya ini-invite ang young actress to go out on a date.

Kagabi, sa press launch ng produktong ini-endorse ni Kim ay naikuwento ng aktres na nagkausap na raw sila ni Simon sa telepono for the first time. “Actually ay hindi ko siya (Simon) kilala. Hindi ko alam, sinearch ko lang siya sa Google. Tapos yung isang friend niya, pinakausap siya sa akin. Sandali lang kasi may ginagawa rin ako. Sabi ko, bakit ko siya kakausapin eh hindi ko siya kilala,” natatawang pahayag ni Kim.

Ano kaya ang posibleng gawin ng aktres kung sakaling imbitahin siya ni Simon para sa isang date? “Di ko pa alam, depende,” maikling sagot ni Kim.

Paano kung seryoso na ang basketball player sa gagawin nitong panliligaw sa kanya? Handa na kaya si Kim na muling pumasok sa isang bagong relasyon? Si Simon na kaya ang papalit kay Gerald Anderson sa puso niya? “Hindi muna, hindi ko alam. Yung pagmamahal, yung boyfriend, darating at darating din iyan. Hindi hinahanap ‘yan. Darating na kusa iyan nang hindi mo sinasadya,” paglilinaw pa ng young actress.

Jake Cuenca believes his kontrabida role in ‘Green Rose’ will help him mature as an actor

hough he is already recognized as one of the hottest teleserye leading men today, Jake Cuenca said he never had any hesitation when he was offered to play kontrabida to Jericho Rosales in the Koreanovela remake Green Rose. During the press conference for the new drama, Jake described his character Edward Fuentebella. “Hindi siya marunong magmahal. Gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto niya. Ang taong mahal lang niya is si Angela, played by Anne. Along the story makokonsensya siya kasi makikita niya na maraming nagmamahal sa kanya. Makikita niya ‘yung pagkakamali niya, magsisisi siya.”

Jake said he was convinced that the role would enable to mature as an actor. “When this project was presented to me I thought I needed to do this for my maturity as an actor. Gusto ko ma-enhance ang aking craft. Also I wanted to work with Jericho and Anne (Curtis) who are both good actors.”

Now that Green Rose is already in its final days of taping, Jake said he learned so much from playing Edward and from being directed by Manny Palo. “Nasa last five days of taping na kami and madami madudugong eksena, marami akong natutunan from Direk Manny who’s such a great director. I’ve learned so much from this project and I’m very proud of it. I’m excited sa pag ere namin kasi matagal na namin itong pinaghihirapan lahat.”

Direk Manny revealed why he felt reluctant about working with Jake before. “Dati apprehensive akong makatrabaho siya kasi parang ang pormal pormal niya. ‘Yun pala ‘yung pagiging pormal niya sa set nagta-translate into sa pagiging intense niya as an actor. Nakakatakot siya minsan sa mga eksena. Sa mga mabibigat na eksena gusto ko sana ‘wag muna niyang ibigay lahat. Pero si Jake, gaya rin ni Jericho, kahit rehearsal pa lang umiiyak na.”

Jake expressed his gratitude to ABS-CBN for entrusting him with roles and projects that gave him the opportunity to prove his acting talent. “Malaki ang utang na loob ko from the other station. But kaya kong sabihin na because of ABS-CBN nailabas ko ‘yung galing ko as an artista. Nagtiwala sila sa akin, marami na akong shows na nagawa in almost four years. Ang sarap ng feeling na sumusugal ‘yung network sa ‘yo, nagtitiwala sila ng responsibilidad sa ‘yo.”

Toni Gonzaga insists that she’s never rude to her avid fans

During the press con of Happy Yipee Yehey!, Toni Gonzaga refuted reports that she snubbed her fans during her recent show in Antipolo. While it is true that she can’t accommodate her fans all the time, she stressed that she’s not the type who’d rudely say no to photo-ops. “Ay hindi ko naman sasabihin yun. Hindi naman ako nagsasalita ng ayoko. Kung sasabihin ko man na ayoko, ang sasabihin ko pasensya na po. Pero sa pagkakaala ko po hindi ako nagsasabi ng ayoko sa mga nagpapa-picture. Kahit mga kasama ko mga pa ko po tanungin niyo. Well, siyempre bias sa akin yun. Pero yung mga taong nakakakilala sa akin, they can attest na hindi ako nagsasabi ng ayoko. Pasensya lang ang lagi ko sinasabi.”

Toni further explained that she was in a rush to leave that show because it was her father’s birthday celebration that same day. “Meron akong show sa Antipolo. Sa ano yun, One Simulong, naaalala ko pa. Galing ako ng dry run ng Happy Yipee Yehey! E yun, kailangan ko na umalis dahil sinagutan ko naman yung constituents ng daddy ko sa Taytay. Birthday ng daddy ko yun.”

When told that the incident might affect her fans’ support of her new noontime show, Toni explained that there are lots of reasons why an artist like her couldn’t mingle with fans even if she wants to. “Ay, hindi na natin maiiwasan ‘yan na lahat ng tao may masasabi sa atin, kasi hindi naman talaga lahat mapli-please mo. Kahit anong i-try natin na i-accommodate lahat, meron at meron tayong hindi maa-accommodate. Hindi dahil nagsusuplada, pero dahil minsan sa oras, dahil minsan segue segue kami. Hindi rin minsan dahil lang pagod, pero dahil talagang occupied ang mga utak namin dahil sa schedule, sa mga inisiip, minsan ’pag may intriga nakakadagdag din ’yan sa iniisip—so hindi yun intensyon.”

But when it comes down to it, Toni stressed that she’d rather be optimistic with all the blessings coming her way than dwell on showbiz intrigues. “At saka ‘di ko iniisip na ganon kasi nagsisimula pa lang ang show. Ayoko po mag-isip ng nega vibes. Mas masaya kung puro positive lang. Kasi ’pag inisip ko pa yun, makakadagdag pa yun ng worry at stress. E ang saya saya ng bago kong show at bago kong pamilya, kaya mag-enjoy na lang ako at mag-look forward na lang ako sa mga mapapasaya kong tao.”

Rayver Cruz says relationship with Cristine Reyes keeps getting better since they announced it

Rayver Cruz said that he could not be happier now that his relationship with Cristine Reyes is finally out in the open. Having kept their relationship at first, Rayver said that he could only imagine how difficult it is for others, such as some celebrity couples, who still keep their relationship in the dark.

Rayver’s mom, uncle and brother, Rodjun were present when Cristine recently had her birthday party. The actor explained that it is good to know that he and Cristine are in good terms with each other’s family. “Comfortable naman siya sa family ko at ako sa family niya (kaya) masaya. Sobrang sarap ng pakiramdam,” the actor described. He even related that he is made to feel welcome every time he spends time with his girlfriend’s family.

Rayver said that his birthday gift to Cristine is the promise ring that the actress always wears. He said that it is a reminder of his promise to be at her side all the time and to love her completely.

As for his birthday wish for Cristine, Rayver said, “Sana more blessings at mas maraming maganda pa ang mangyari sa kanya kasi napakabuti niyang tao and alam naman niya kung gaano siya kaimporante sa akin at maraming salamat sa lahat-lahat. Lagi lang akong nandito para sa kanya. Alam naman niya ‘yun, eh. Alam naman niya kung gaano ko siya kamahal.”

The actor also said that he is a loyal boyfriend and reasoned out that there is no point of getting into a commitment if he has won’t be loyal to the woman he loves. He is also hoping that he and Cristine won’t have work on Valentine’s Day so they can go out on a date. He refused to give details though of his plans because he wants to surprise Cristine. “Mahilig ako sa surprise, eh. Gusto ko biglaan lang.”

Jericho Rosales says he doesn’t mind spending Valentine’s Day alone

While he’s busy wrapping up work for the February 14 premiere of his newest teleserye Green Rose, Jericho Rosales is also busy with last minute preparations for his Valentine concert entitled And I Love Her. The actor, who has consistently denied rumors linking him to Andi Manzano, said he has no Valentine’s date this year. Instead, the singer-actor plans to spend February 14 out of town after a scheduled doctor’s appointment. “May date ako, with my chiropractor. I have a neck problem because of an accident on the show. Nalalag ako, na-aksidente, yung leeg ko. Medyo na-disalign yung isang buto. Nakabaluktot siya ng ganun. So ginagamot namin ngayon. Kung napansin niyo hindi ako masyado nag-gagagalaw lately. Yun lang yun. Sa February 14, baka mag-surf na lang ako. Ginawa ko na yun three years ago. Kasama ko naman yung best friends ko,” he shared during the Green Rose press con held last February 9 at the ABS-CBN compound.

After his breakup with SNN reporter Cesca Litton late last year, Echo said he has no regrets about keeping their relationship relatively low-key. ”We were open naman. But it’s not that open kasi hindi ko gustong masyadong pinag-uusapan. Yun yung respeto ko dun sa kanya, sa akin, sa family because katulad ng sabi ko, hindi ko gustong na-te-tense yung relationship namin, parang ganun. And I really respect everyone na rumespeto dun sa kagustuhan ko na medyo quiet lang. She’s not really showbiz na showbiz ‘di ba so hindi siya sanay sa relationship na showbiz. Ako sanay na ako eh and alam ko na yung repercussions at consequences pag ganun so I said its better for us to be quiet so that we can enjoy it to just stay quiet. We’re not hiding na hindi tayo or tayo, ganun,” he shared.

Echo said his relationship with Cesca was unique because of how they dealt with the breakup. “I’m glad that we’re friends even though it didn’t work. She’s the first person na naging girlfriend ko na after ng relationship namin naging magkaibigan kami,” he admitted.

Echo also revealed minimal details about his concert And I Love Her, which runs February 11 to 12 at Teatrino, The Promenade in Greenhills. “Obviously I want to keep it a surprise. Gusto kong i-surprise yung mga tao sa kung ano ang repertoire kasi hindi ko masasabi. Kakantahin ko yung mga original songs ko na naging hit din naman, maririnig niyo rin dun. But imagine niyo na lang na medyo may pagka-swing ng konti,” he said.

The show, which Echo co-directed with Paolo Valenciano, is one of the projects he has really been looking forward to for the year. “When I say it’s a different kind of show, it’s something na hindi ko pa nagagawa and hindi pa siguro nakikita ng karamihan so I’m excited kung ano magiging reaction ng tao. May love songs ako definitely. It’s going to be fun. It’s just different. Hindi ko puwede ibitaw lahat ng mangyayari eh. But my dream kasi is mas masubukan ko yung pagiging stage actor, yung sa play. Makagawa ng musical. So I tried something here. Let’s see if it will work. So yun yung buong idea nun,” he said.

Echo, who also sang Green Rose’s theme song “Bumuhos Man Ang Ulan,” said that he hopes to pursue singing as much as acting this year which makes his concert very meaningful for him. “For me, this kind of show is a dream come true. So it really means a lot. Sir Gary Valenciano is helping out with the production. Ito na yun, ito yung future ko eh. Gusto ko mag-produce nung mga concerts, mga shows, eto na yun. I’m living my dream right now. I promise you, even though madaming nagsasabi sa akin ng negative stuff, hindi ako nagpapatama dun. Basta I want to entertain people and I want to show them na eto talaga yung buhay ko. Meron akong special guest pero hindi ko talaga masasabi kung sino. But all I can promise you is I will try my best. We’ve prepared something good para sa lahat ng manunuod so I’m hoping that they will like the show,” he shared.

Toni Gonzaga and Mariel Rodriguez describe their friendship as a ‘work in progress’

Ever since it was announced that Toni Gonzaga and Mariel Rodriguez would both be on Happy Yipee Yehey!, people have been wondering how they would work together after their controversial falling out last year. But during the press con of their upcoming noontime show, they refused to say how they managed to overcome their misgivings about their friendship. “Kasi kung i-elaborate pa namin, ang haba na e. Tsaka ang hirap na rin pong mag-explain at magkwento dahil ang tagal na. Kahit ano pang sabihin namin, yung ibang tao may mindset na about us, so hayaan na lang namin. Ang importante, kaya kami nagkasama ulit ni Ma, hindi dahil may show, pero dahil matagal na rin kaming naging okay, actually last year pa naman. Siguro ngayon magiging sensationalized lang dahil ngayon lang ulit kami makikita na magkasama together,” said Toni who previously accused Mariel of betraying her several times.

Mariel admitted that she was scared that they would never be able to revive their friendship. But one thing she learned from what they went through is the fact that anything could be solved through proper communication. “Ako nagkaroon ng ganong worry na baka hindi na maibalik yung dating samahan, because the friendship matters. If you don’t care about the friendship, [deadma na] ‘di ba? Pero yun nga siguro yung magic dahil maganda yung foundation ng friendship namin [kaya nalampasan namin yung misunderstanding namin noon]. But it’s what happens after which matters now, na ngayon okay na kami.”

Toni further shared that they didn’t expect to be part of the same show soon after their reconciliation. But it’s definitely meant to happen especially because they can’t deny the fact that they work so well together as hosts. “Ako sobra akong na-excite sa idea na inofferan ako ulit mag-noontime show, mahirap naman tumanggi. Si Mariel naman, setting aside yung mga pinagdaanan namin, we worked together for many years already. Yung chemistry at rapport na nabuo namin, hindi mo makukuha na yun, buo na yun. So ang sarap ng feeling na magkakasama kayo sa isang show.”

At this point, Toni and Mariel were honest enough to say, however, that they’re not yet one hundred percent okay with each other. Not because they have lingering doubts about their friendship, but it’s just that they’re still in the process of working things out. “When you experience new storm or a bump in the road, tapos magsisimula kayo ulit, you take it one step at a time. It’s a work in progress,” said Toni. To which Mariel added, “Parang sa mag-boyfriend at girlfriend ‘di ba? Ganon naman talaga yun e. Ito yung natural na nararamdaman namin ngayon. Hindi naman yung mine-measure na, ‘Ay mas close kami noon!’ Hindi na pinaplano, meron siyang tamang panahon.”

For now they’re still planning when they would spend quality time with their good friend Bianca Gonzalez who’s really thrilled with Mariel and Toni’s reconciliation. “Siya ang pinakamasaya ngayon. We still have to set a date kasi ngayon we have dry runs for the show. Basta dadating tayo d’yan,” Mariel stated.

Kapamilya stars join BIR’s campaign on paying taxes on time

Kahapon ay pormal nang inilunsad ang tax campaign ng Bureau of Internal Revenue na may theme na “Buwis Mo Para Sa Bagong Pilipinas”. Isa itong kampanya ng B.I.R. para ma-meet nila ang target na 940 billion collection for this year. Ginanap ang nasabing event sa Trinoma Mall at dinaluhan ito ng ilang Kapamilya stars like John Lloyd Cruz, Shaina Magdayao at KC Concepcion.

Todo ang suporta na ibinibigay ngayon ni John Lloyd sa B.I.R. kahit na nagkaroon ng problema sa pagitan niya at ng ahensya noong isang taon. “Nagpapasalamat tayo kasi na-invite tayo dito ng B.I.R. Nagpunta kami rito kasama ng mga iba pang artista like si KC Concepcion, Jaya, para sumuporta sa isinusulong ng B.I.R. na makapagbayad tayo on time. Akala mo kasi February pa lang pero April mabilis lang iyan. Sana ay makapagbayad lahat on time para maiwasan ang mga problema. Mga hindi inaasahang problema with the B.I.R., iyon ang ayaw nating mangyari,” pahayag ni John Lloyd.

Natutuwa rin si B.I.R. commissioner Kim Jacinto-Henares dahil pinaunlakan ng ilang celebrities ang kanilang invitation para makatulong sa kanilang campaign. “Every year we have celebrities in part of the campaign. I guess, it made them more conscious about their tax obligations,” pahayag naman ng commissioner. Umaasa ang Bureau of Internal Revenue na magiging matagumpay sila ngayong taon sa pangongolekta ng tamang buwis.

Kim Chiu reacts on fan-snubbing incident

Noong isang linggo ay may lumabas na balitang nang-isnab diumano si Kim Chiu ng isang taga-hanga sa isang mall. Nagmula raw ang balita sa mismong ina ng fan na sinasabing na-isnab daw ni Kim noon. Isang kolehiyala raw ang fan na ito at kasama pa ang ilang mga kaibigang balikbayan nang maganap ang insidente. Parang wala raw kasing nakita si Kim nang tawagin nila ang aktres. Galit na galit daw ang ina at nagbanta pa na hindi na susuportahan ang mga projects ni Kim.

Ano kaya ang masasabi ni Kim sa isyung ito? “Hindi ko nga alam kung saan iyan, hindi ko alam ‘yan,” bungad ni Kim. Hindi raw talaga maiiwasan na hindi mapagbigyan o ma-greet ng aktres ang lahat ng fans na gustong bumati sa kanya. Kung may nangyari mang hindi maganda ay hindi naman daw ito sinasadya ni Kim.

“Nakakalungkot siyempre, kasi hindi naman lahat naririnig ko. Parang Hi Kim! Minsan mababa lang tapos hindi ka na makaka-hi back so akala nila suplada or something. Sa amin, hindi naman namin intensyon yun tsaka gusto pa rin naming kumaway sa kanila para matuwa sila,” paglilinaw pa ng young actress.

Humihingi naman si Kim ng paumanhin kung mayroon man daw siyang mga nasaktan sa nasabing insidente. “Pasensiya na po. Hindi ko naman intention na hindi mag-hi back sa kanila. Siyempre hindi naman lahat ng tao ay napi-please ko kasi tao lang naman ako eh, may pagkukulang din,” emosyonal na pagtatapos ni Kim.

Cristine Reyes admits she and Rayver Cruz talks about marriage

Recently ay ipinagdiwang ni Cristine Reyes ang kanyang 22nd birthday at sa guesting niya sa The Buzz kahapon ay sinabi niya na sobrang saya niya lalo pa’t nasa buhay niya ang pinakamamahal na si Rayver Cruz. Nang itanong ni Boy Abunda kung gaano siya kasaya, sagot ng sexy actress, “Hindi ko po masabi kung gaano ako kasaya, basta ang masasabi ko masaya ako ngayon.”

Nagpaliwanag din ni Cristine hinggil sa napabalita kamakailan na nawala niya ang promise ring na ibinigay sa kanya ni Rayver at naging dahilan umano ng kanilang pag-aaway. “Na-misplace ko lang po pero nasa akin na ulit siya,” paglilinaw ni Cristine. “Kasi lagi siyang pinapatanggal sa taping. Siyempre kailangan kong isuot ‘yung ring namin ni Zanjoe (Marudo), ‘yung ring namin sa (teleserye) hindi ko pwedeng isuot ang ring ni Rayver.” Sa teleseryeng Kristine Series kasi ay mag-asawa ang ginagampanan nina Zanjoe at Cristine.

Pinag-ugatan ng maraming intriga ang promise ring ni Cristine at napabalita pa noon na engagement ring umano ito. Nang itanong kay Kristine kung ano ang promise sa kanya ng boyfriend, anang aktres, “Promise ni Rayver sa akin na nandyan siya parati sa akin, na mamahalin niya ako forever.”

Sinabi rin ng aktres na kasundo niya ang ina ni. “Hindi ko po masasabing kaagad (na boto sa akin ang ina ni Rayver) pero nararamdaman ko po na mabait po sila sa akin and ‘yung pagtanggap nila sa akin is totoo. Wine-welcome nila ako sa family niya. Nahihiya po ako lagi ‘pag andun si Mommy (Beth) pero nag-uusap po kami lagi,” paliwanag ng aktres.

Sinabi rin ni Cristine na paminsan-minsan ay napag-uusapan nila ni Rayver ang tungkol sa pagpapakasal. “Nagdi-dream lang kami. Nagdi-dream kami na one day magiging good father siya (at) siya ‘yung magpo-provide sa family. Mga ganung bagay lang.” Pero nilinaw ni Cristine na hindi naman ito nangangahulugan na magpapakasal na sila ni Rayver any time soon.