Orchid Lois dot Com

Man of Steel Day – Independence Day

man of steelThe whole family went to the mall today to catch the newest Superman movie franchise. This is actually a whole reboot of the movie – new stars, new story (sort of), new fx and all other stuff that are new.

We head on over to SM Fairview 10:30am and watched the first screening at 11:15, cinema 12 🙂 (detailed as possible huh, right Eli?) :_

Anyway, the wife enjoyed the movie and I’m hoping the kids did, too. I thought the movie has too much destruction and not enough story (love story) for Lois and Clark.. the movie would probably be a lot longer that it is at 2 hours or so.

I love the flashback style of story telling and the Man of Steel is that type of movie. There are a number flashbacks where CK’s childhood was presented to the story.

I think the Php800 ticket price was worth it (yeah, we did not watched it in 3D.. that is how cheap I am)

Gerald Anderson on Kim Chiu’s admirers: ‘Hindi ako bodyguard ni Kim’

Gerald Anderson is happy that his projects without long time ka-love team Kim Chiu is being warmly received by the public. His weekly series Buhawi Jack with Jewel Mische enjoyed high ratings, while his movie with Sarah Geronimo raked in P15 million on its opening day alone last March 23. “Itong taon na ito is a chance for growth sa aming pareho ni Kim. Marami siyang project na siya lang and I’m praying na maging successful lahat ‘yun. Ako rin may mga projects na iba ang makakasama ko. Sana maging successful lahat,” Gerald told reporters during the thanksgiving press conference for Catch Me…I’m in Love.

When reports about the break up of the Kim-Gerald love team first surfaced, many of their fans had violent reactions, and there were those who even went as far as sending death threats to both Kim and Gerald. But the young actor clarified that those threats didn’t come from their loyal Kimerald supporters. “Hindi Kimeralds ‘yun. May mga nagbabanta na kapag hindi si Kim ang partner ko, ibo-boycott nila ‘yung projects. Pero God is good talaga kasi ‘yung mga solo projects ko naging successful naman like ‘yung Buhawi Jack. Thank you talaga sa mga Kimeralds. Gusto ko lang magtrabaho at maging successful lahat ng projects ko. Thank God wala nang mga threats. Magaan na ang buhay ko.”

Gerald invited Kim to the premiere night of the movie, but the young actress was busy taping for Your Song. But Kim sent Gerald her message of support. “Nasa taping ng Your Song si Kim. Pero nagsabi na siya ng, ‘Congratulations in advance.’ Sabi ko na I’m very thankful sa kanya, sa lahat ng support niya. Sinusuportahan ko pa rin din siya,” shared Gerald.

Kim has recently been linked to numerous male celebrities, most notably basketball player Simon Atkins who publicized his admiration for the chinita actress via Twitter. Kim has also been linked to Jason Abalos and Enchong Dee, and according to Gerald, it’s not shocking if Kim gets a lot of admirers given how beautiful she is. “Si Brad Pitt ba nagparamdam na sa kanya? Si George Clooney nagparamdam na ba? E ganun talaga. Magandang babae si Kim e. Hindi natin maiiwasan ‘yun.”

However, since they don’t have a serious commitment at the moment aside from friendship, Gerald explained that it’s no longer appropriate for him to always comment on whatever is going on in Kim’s love life. “Hindi ako bodyguard ni Kim. I’m just happy na she’s very beautiful and happy right now. Friends kami ngayon at ‘yun ang mahalaga.”

Regarding his own love life, Gerald chose not to comment any further about last year’s issue of him dating Bea Alonzo. The two will be part of the Star Magic tour in the US this April, but Gerald said he has no problem working with Bea because they’re on good terms. “Okay naman kami. Friends. Basta masaya ako sa buhay ko. 2011 na. 2010 pa ‘yan, ha ha ha!,’ he said.

Kim Chiu congratulates Sarah Geronimo and Gerald Anderson

Very successful ang first ever movie na pinagsamahan nina Sarah Geronimo and Gerald Anderson na Catch Me, I’m In Love kaya masayang-masaya ang dalawa sa suportang natanggap mula sa kanilang fans.

Maging ang dating kapareha ni Gerald na si kim Chiu ay masaya rin sa tagumpay na tinatamasa ng pelikula ngayon. “Masaya ako for them and congratulations! Sinabi ko naman iyon kay Gerald na sure akong blockbuster yun dahil siyempre Gerald tapos kasama niya pa si Sarah,” nakangiting pahayag ni Kim. Nagbigay din ng payo si Kim kay Gerald bago pa ipalabas ang pelikula sa mga sinehan. “Sinabi ko sa kanya na huwag siyang kabahan dahil sigurado akong blockbuster iyan,” kuwento pa ng dalaga. Hinding-hindi raw palalampasin ng young actress ang pelikula at siguradong panonoorin niya ito.

Samantala, ginulat ni Kim ang lahat sa kanyang sexy pictorials para sa Star Studio’s Sexiest Celebrities na kinunan kamakailan. Silang dalawa ni Gerald ang itinanghal na Sexiest Young celebrities. “Tiyan lang naman iyon, ‘tsaka pang-ano rin sa mga tao na lahat ng bumoto siyempre sayang naman yung daliri nila napudpod na sa kaboboto so sabi ko okay lang siguro mag-pose na ako ng ganito. Nagpapasalamat ako dahil ang daming text votes at ang daming bumoto,” paliwanag ni Kim.

May plano na ba siyang magtuloy-tuloy sa pagpapa-sexy o mag-pose for a men’s magazine? “Ay! Hindi, hindi po talaga ako magpo-pose for a men’s magazine. Nakakahiya yung katawan ko,” natatawang sagot ni Kim.

JM De Guzman denies he has a gay benefactor

Sunod-sunod ang proyekto ni JM De Guzman sa ABS-CBN mula noong nakaraang taon kaya naman hindi maiwasang intrigahin siya tungkol sa pagkakaroon niya di umano ng gay benefactor. Sa ginanap na press con ng Mula Sa Puso noong March 24, mabilis na itinanggi ng batang aktor ang akusasyon na meron siyang kapit sa kung sino mang maimpluwensiyang tao kaya napabilis ang kanyang pagsikat. “Malinis na malinis po ang konsensya ko sa issue na ’yan kasi pinaghirapan ko talaga na mabigyan ako ng pansin or ng opportunity na makapasok sa showbiz.”

Iginiit din ni JM na hinding-hindi niya gagawin ang manggamit ng tao para lang matupad ang kanyang pangarap na makilala sa mundo ng showbiz. Masarap daw kasi sa pakiramdam kapag alam niyang ginamit niya ang sariling kakayahan. “Siguro po ako yung tipo ng tao na kapag hindi ko makuha yung isang bagay, mabuti na paghirapan ko na lang, kahit dumugo-dugo paa ko. Hindi naman masama ang humingi ng tulong, pero mas maganda kung sarili kong sikap, sarili kong hila lahat ng mga problema ko. Mas fulfillment sa akin yun.”

Marami ang hindi nakakaalam na minsan nang sumali si JM sa Ang TV 2 noon. “Lumalabas na ako sa commercial nung six years old pa lang ako. Tapos nag-Ang TV 2 ako nung 13 years old na ako pero walang nangyari. Na-realize ko din sa sarili ko na may kulang kung bakit hindi ako napansin or hindi nabigyan ng break. Kaya nagpunta ako sa theater para mahasa sa ibang aspeto. Pagkatapos nun, nung medyo na-feel ko na may natutunan naman na ako, dun ako nagpakalat-kalat sa indie scene.”

Nagbunga naman ang kanyang paghihirap dahil napansin ang kanyang galing sa pag-arte sa ilang teleserye tulad ng Precious Hearts Romances Midnight Phantom, Alyna at Kristine Series. At ngayon nga ay napili siya upang gampanan ang dating papel ni Rico Yan na Gabriel sa remake ng Mula Sa Puso na mag-uumpisa na sa March 28 sa Primetime Bida. “Sobrang blessed talaga ang feeling ko ngayon kasi siyempre ito na yung pinakahihintay kong opportunity. Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng lead role sa isang teleserye kaya malaki ang pasasalamat ko sa ABS-CBN at kina Direk Lauren (Dyogi) sa tiwala na ibinigay nila sa akin.”

Masayang-masaya rin si JM dahil naging maganda ang pagtanggap ng tao sa natatangi niyang pagganap sa March 18 episode ng Maalaala Mo Kaya. “Nakakatuwa kasi naging maganda ang pagtanggap ng tao dun sa MMK episode where I played an OFW na nabiktima ng isang drug syndicate abroad. Tapos sobrang dami ko natutunan nung nagte-taping kami, na-expose yung weaknesses ko.”

Jackie faces her fear

Matapos ng matagal na paghihintay ay tuloy na nga ang afternoon drama na Sisid, na pagbibidahan ni Jackie Rice. Naging usap-usapan ang matagal na paglabas ng show na ito dahil hindi marunong si Jackie lumangoy, and the people are aware of her phobia sa tubig, kaya naman nagdaan muna si Jackie sa training sa paglangoy.

Natuto na kaya si Jackie matapos ang ilang buwan ng pagte-training?

“Wala namang taong hindi natututo ‘di ba?” sagot niya.

Nahirapan ba siya sa kanyang swimming at diving lessons para sa kanyang role sa show na ito?

“Mahirap kasi wala talaga akong alam sa pag-swim. And yung fear ko, na-overcome ko naman siya. At saka eto naman, yung swimming, hindi ko lang naman siya magagamit for the show e. After naman ng show magagamit ko rin siya pansarili ko. So ayun, malaking tulong siya. Naturuan na nga ako, nagkatrabaho pa ako, tapos magagamit ko pa siya,” kuwento niya.

Ano naman ang kanyang pakiramdam sa mga bumabatikos sa kanyang pagkakapili bilang lead actress ng show na ito knowing that she did not know how to swim?

“Siyempre, nahihiya ako kasi hindi naman talaga ako marunong lumangoy. Nung binigay [ito] sa’kin, parang ‘Wow, gusto ko talagang magkatrabaho, pero parang imposible naman kasi hindi ako marunong lumangoy.’” Paglalahad niya. “So pinaturuan nila ako. and from there, siguro hinintay nila na yung confidence ko sa sarili ko e kaya ko na ba sa ilalim?”

Dagdag pa ng dalaga, “Siguro kung hindi nga para sa’kin, e hindi ako nandito.”

Ayon naman kay Jackie, patuloy ang kanyang pagpupursigi para mapagbuti pa ang kanyang paglangoy para sa kanyang role sa Sisid.

“Siyempre. Sayang naman, work na yun, mawawala pa? So talagang super training ako under the sea!”

Sarah Geronimo apologizes to Cristine Reyes

Isa ang push.com.ph sa ilang nakasaksi sa pagbabati nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes sa ASAP backstage, ngayong March 20. Hindi inasahan ng mga nasa paligid na kinabibilangan ng ilang artista ang pagsasalubong ng dalawa at pagbabati. Nang magsalubong ang dalawa, unang tinawag ni Sarah si Cristine at humingi ito ng sorry. “Miss Cristine, bati na tayo,” ma-emosyunal na sambit ni Sarah sabay yakap sa sexy actress. Nangilid ang luha ng dalawa sa kanilang pagbabati. Later that day ay nag-guest si Sarah sa The Buzz at ikinuwento ang iba pang detalye.

“Matagal na matagal ko na siyang gustong makausap, pagkatapos ng lahat ng gulo, gusto ko na talagang mag-sorry sa kanya,” kuwento ni Sarah. “Walang pagkakataon po kasi marami rin kasing nagsasabi na masyado rin kasing masakit ang nangyari na kung ako ‘yung mauuna ganon. Pero ako sa sarili ko gustong-gusto ko nang mag-sorry para matapos na. Alam kong nasaktan din siya kaya kailangan ko ding mag-apologize.”

Kuwento ni Sarah, naiwan ng kanyang makeup artist (na makeup artist din ni Cristine) ang eye liner sa kanyang makeup room. Nakakita ng pagkakataon si Sarah at isasauli na sana ang nasabing eyeliner kay Cristine at eksakto namang nakasalubong niya ang aktres. “So nagtinginan kami. Parang umiwas pa siya,” bungad ni Sarah. “Siyempre may takot din sa akin. Tatanggapin kaya niya? Masasaktan kaya ako? Ano kaya ang mangyayari? So niyakap ko na lang siya, hindi ko na siya pinakawalan. Sabi ko Cristine wala talaga akong intensyon (na makasakit)…”

Sa wakas din ay nagbigay ng kanyang pahayag si Sarah hinggil sa pagbibiro niya dati sa ASAP rehearsals na ang magaling sumayaw ay lapitin ng seksing babae na tinutukoy ang dating boyfriend na si Rayver Cruz. Dahil sa nangyaring iyon ay nagalit si Cristine at nagpakawala ng matatapang na statement laban sa singer actress. “’Yung biro ko sa stage na ‘yon nung rehearsal, sine-set ko lang ‘yung mood na okay na tayo Ray (Rayver), ah. Tsaka ‘yung joke ko na ‘yon kay John (Prats) din ‘yon at Rayver ‘yung magagaling na sumayaw lapitin talaga ng magagandang at seksing babae, wala akong ibang ibig sabihin non at ‘yun ang gustong-gusto kong ipaliwanag kay Cristine.”

Idinagdag din ni Sarah na humingi rin ng sorry si Cristine kay Mommy Divine sa tagpong iyon. Ikinuwento pa niya na sinabi pa niya kay Cristine na nauunawaan niya ang mga naging reaksyon nito noong mga nakaraang isyu dahil nagmamahal ito dahil nagmahal din siya noon kay Rayver na boyfriend ngayon ni Cristine.

Gabby Concepcion says he hopes Piolo Pascual and KC Concepcion stay happy

Pagkatapos ng teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo noong isang taon ay pansamantalang nagpahinga muna si Gabby Concepcion sa kanyang showbiz career. May mga lumabas na balitang tuluyan na raw iiwan ni Gabby ang pag-a-artista. Saan nga ba nagpunta ang aktor at ano ang kanyang pinagkaka-abalahan? “Kararating ko lang galing America, nag-bakasyon ako at namimili ako ng istorya. Siyempre naano ako sa audience ko, I owe it to them. Tulad ng pangako ko, gagawa lang ako kapag maganda para kakaiba,” pahayag ni Gabby. Naghihintay lamang daw siya ng magagandang projects.

Ngayon ay nag-taping na si Gabby para sa longest drama series in Asia, ang Maalaala Mo Kaya na mapapanood na sa April 2. Maganda raw kasi ang istorya at gusto rin ng aktor ang role niya dito. Makakasama ni Gabby sa episode sina Bangs Garcia, Frenchie Dy at Rodjun Cruz.

Kamakailan ay nabanggit ni Piolo Pascual sa kanyang pahayag na gusto niyang makausap si Gabby tungkol kay KC Concepcion at sa kanilang relasyon. Ngayon ay nagbigay na rin ng reaksyon si Gabby tungkol sa relasyon nina Piolo at KC sa kauna-unahang pagkakataon. “Basta masaya sila, okay sa akin iyon. Importante maging matibay sila sa intriga dahil ngayon, nalaman na sila. Pareho naman silang mabait na bata, okay lang. I’m sure it will work out,” seryosong pahayag ni Gabby. Botong-boto rin daw siya kay Piolo para kay KC. “Oo naman. Walang problema basta kung saan sila masaya, iyon ang importante,” pagtatapos pa ni Gabby.

Sam Milby on Marie Digby: ‘I’m happy she’s here’

Ngayong umaga ay pumunta si Sam Milby sa Davao para sa shooting ng kanilang pelikula ni KC Concepcion under Star Cinema. Nakakailang shooting days na rin sina KC at Sam kaya very comfortable na raw sila sa isa’t isa.

Samantala, naging biktima rin pala ng malakas na lindol last Friday sa Japan ang special friend ni Sam at youtube sensation na si Marie Digby. Nag-worry si Sam nang nabalitaan ang nangyari sa bansa kaya agad na kinamusta si Marie. “After I found out siyempre I was worried, affected Tokyo din, alam ko nasa Tokyo siya. I asked her if she was okay, she said yeah. Grabe yung after shock, yung buong building kasi they stay in a condo, apartment building, pero mabuti naman at walang nagyari,” pahayag ni Sam.

Dumating sa bansa si Marie last Monday dahil magkakaroon siya ng ilang shows dito at balak ring gumawa ng album ng singer sa Pilipinas. Hanggang ngayon ay hindi pa raw nagkikita ang dalawa pero constantly ay nagte-text naman sila. “We’ve been messaging pero hindi ko pa siya nakikita. I don’t know when will I see her, I guess I’ll see her when I get back from Davao,” kuwento pa ng aktor.

Gustung-gusto ni Sam ang lahat ng qualities na nakita niya kay Marie. “Isa siya sa pinakamabait na taong nakilala ko buong buhay ko. I’m really a fan, magaling siya, maganda, talented. I still see a bright future for her and I’m happy she’s here. I really hope it goes well for her here. Sana alam niya na nandito lang ako para sa kanya kung gusto niya matutong mag-tagalog,” natatawang sagot ni Sam.

Bakit nga ba mas pinili ng dalawa na maging mag-kaibigan na lang kaysa maging lovers? “I think distance is a big favor. We live in two different countries and it’s hard enough to make a normal relationship workout,” pahayag ni Marie. May chance pa kaya na mas lumalim pa ang relasyon nila ngayon ng binata? “Who knows? It’s hard to tell what’s gonna happen, the future, what the circumstances are. I don’t know but I’m not saying it’s impossible. Sam’s a cutie pie. He’s a beautiful person, he’s very kindhearted, not a mean bone in his body. I don’t even think he’s aware of how charming and talented he is. He’s a wonderful person,” pagtatapos pa ni Marie. Ayon pa sa dalaga ay hindi pa nga raw sila nagkikita ni Sam dahil busy rin siya sa kanyang schedules.

Jericho Rosales says he is not affected if critics say Jake Cuenca is a better actor

Now that they are working together on a drama series for the first time, Jericho Rosales admitted he had been looking forward to working with Jake Cuenca. The Green Rose actor recalls how he felt when he heard news that Jake might not push through with the project. “Actually nalungkot ako dati nung may balita na hindi na matutuloy si Jake. So I really got sad because kumbaga para sa akin, gustong-gusto ko makatrabaho yung mga leading men and na-fra-frustrate na ako na hindi ko nakakatrabaho sila Piolo (Pascual), John Lloyd (Cruz), and Sam Milby. Si Diether (Ocampo), sobrang cool kami nun so I also love working with Diet,” he shared.

Echo, had nothing but praises and admiration for his Green Rose co-star. “Now that I am able to work with Jake, ginanahan talaga ako. Sabi ko, ‘Wow, finally, an actor. A leading man and a known actor that I can work with.’ So nagtrabaho kaming dalawa sa mga eksena namin. Pinag-uusapan talaga namin. We congratulate each other after every scene. There’s no competition on who’s better. Hindi namin tinitingnan yung competition. I respect him as an actor,” he shared.

Echo said that he finds Jake’s professionalism as one of the reasons why Green Rose has become such a compelling series to watch. “I heard a lot about him before, but now that I’ve worked with him and nakita ko kung anong klaseng artista si Jake. Now I only have respect for the guy. Makikita mo yung mga eksena namin, yung characters, ‘pag may eksena kami, maganda. It’s nice. And ako, I don’t really mind kung sabihin man nila who’s the better actor or whatever. What’s important for me is nag-produce kami ng magandang scene. Meron kaming sinusunod na linya so dun kami buma-biyahe. Kailangan naming tutukan yung detalye nung show kasi hindi rin kami puwedeng lumayo but at the same time kailangan naming i-express yung feelings namin. On the set, talagang pinag-uusapan namin kung papano i-attack. Kasi may mga scenes kami na ang ganda, sobrang ganda, but sometimes we have to do it again. We actually worked on every scene, kami ni Jake, pinag-uusapan namin yung eksena. First time ko makatrabaho si Jake so ang sarap ‘pag ganun yung ka-eksena mo,” he explained.

As he plays the role of Jerome Delgado, a poor but good-hearted man wrongly accused of committing crimes because of a frame up, Echo said the role gave him new depth as an actor and provided a new kind of challenge when it came to imbibing his character. “Hindi pa naman ako na-frame up sa buhay ko. Yung character lang talaga ni Jerome, since nag-workshop kami, hawak ko na siya sa isip ko and then every time na nasa set kami, medyo they made sure na kuha na namin yung character namin so when we get to the set, in character na and hindi ko talaga masisi kung madala talaga ako sa buhay niya at saka dun sa character ni Jerome kasi talagang kakapitan mo yung character niya kasi talagang nakakaawa siya. Nakakaawa yung pinagdadaanan niya. I was actually blessed to portray a role na ganun na yung karga niya. For me, sasampa na lang ako dun tapos tatakbo na siya. So I had to do my homework from the beginning and yung pinakadulo yun na yun. Tapos na yung rehearsal, ganun,” he said.

Although he’s always up for complex kind of roles, Echo said another added challenge was the unexpected toll the role took on his body. “Yung pinaka-challenging dito is yung transition niya sa pagiging bagong character na dumating. It was medyo physically and emotionally challenging kasi may mga eksena na nagagawa ko na sumasakit yung batok ko sa sobrang pagka-intense niya. As in nagpapamasahe ako bawat eksena. Meron akong isang araw na sumisipa ako, iiyak ako, tumatakbo ako, pagod talaga ako. Emotionally drained ako. The character has many demands. Meron siyang stage na Jerome, the normal guy na mabait na na-in love. I’m loving pero may mga parts si Jerome na hindi ako yun eh. And then biglang he becomes a fugitive, nagtago. And then biglang naging may-ari ng isang malaking kompanya. And then pagbalik ko, magko-Korean ako. Meron akong mga Korean lines. He has to exude that power na parang ganun. So three characters in one,” he said.

Albie Casiño lands his first major movie role

Albie Casiño was on cloud nine when he attended the story conference of his very first movie with Star Cinema which will also feature his Mara Clara co-stars Kathryn Bernardo and Julia Montes. The movie will be directed by Cathy Garcia Molina who helmed last year’s blockbuster hit My Amnesia Girl, which was top-billed by John Lloyd Cruz and Toni Gonzaga.

Albie, who was a relative unknown prior to being chosen to play one of the leading roles in the top-rating primetime teleserye Mara Clara, said in an interview following the story conference that he was overwhelmed that the success of the teleserye has led him to a movie under Star Cinema. “Sobrang saya ko na napaka-successful ng Mara Clara. Hindi ko talaga inexpect na magiging ganito kalakas ang impact namin sa mga tao. Bago mag-air ‘yung show ang takot ko lang noon na sana hindi ako magmukhang tanga.”

But the 17-year-old actor admitted that thinking about this movie project has given him the jitters. “Takot ako kay Direk Cathy. Baka masyado nang mataas ang expectation ng mga tao sa akin because of Mara Clara. Takot ko na dito sa movie hindi ko ma-meet ‘yung expectation ng marami.”

The movie will also star AJ Perez who will play Julia’s leading man. Albie and AJ have been good friends for some time now. “Super excited ako kasi makakasama ko si AJ, ha ha ha! Magkabarkada kami niyan sa school. Parang two birds with one stone kasi this is my first movie and first time to work with him.”

Speaking of the success of Mara Clara, Albie also shared his thoughts on the online video of a little Filipina girl who cried in front of the TV after watching the character of Mara reportedly die in the teleserye. “Nakakatawa ‘yun, sobra! Ha ha ha! Tawa ako nang tawa nung mapanood ko ‘yung video. Sa taping, lahat kami pinanood namin nang sabay. Nasa likod ako, hindi ko mapigil ‘yung tawa ko. Sabi sa akin, ‘Ssshhh! ‘Wag kang maingay, nanonood kami!’ Grabe ‘yung bata, umiyak talaga nung mamatay si Mara. ‘Yung lola ko umiyak din nung mapanood ‘yung episode. Sana ma-meet namin ‘yung bata.”

Sarah Geronimo prefers not to compete with Angeline Quinto

Unang naglaban sina Sarah Geronimo at Angeline Quinto way back in 2002 nang pareho silang sumali sa isang prestigious singing competition at kung saan si Sarah ang nanalo. Pero last week sa ASAP Rocks, March 6, ay muling nagsama ang dalawa sa stage para sa isang duet.

Tuloy, lumikha ng isyu at ikinumpara kung sino ang mas magaling sa dalawa. May mga isyu pa ngang threatened daw si Sarah kay Angeline na siyang nanalo sa Star Power just recently. “Masama ‘yung iniisip na may threat. Hindi maganda ‘yung ganung ugali,” bungad ni Sarah sa panayam ng The Buzz.

Dagdag pa ni Sarah, masaya siya para kay Angeline na sa kanyang mga panayam ay inamin na ilang beses nang natatalo sa mga competitions. “Sabi ko nga sa kanya sa wakas talaga. Lalo na ‘yung narinig ko ‘yung nangyari. Masakit sa akin na marining kung ‘yun ang nangyari at itong pagkapanalo ay sobra akong natutuwa,” kuwento ni Sarah tungkol kay Angeline.

Hindi rin itinanggi ni Sarah na kinabahan siya sa duet nila ni Angeline sa ASAP Rocks nung nakaraang linggo. “’Yung duet namin nanginginig ‘yung tuhod ko, hindi naman kasi kami dapat kabahan pero alam mo naman laging ganun, laging pinagso-showdown, contest ulit. Sana hindi na ganun sa susunod na production number namin together para magawa namin maayos,” pakiusap ng Pop Princess.

Alam din niya na lagi silang ipagkukumpara ni Angeline pero hindi na ikagugulat ito ni Sarah kung kaya’t mas gusto na lamang niya na pagbutihin ang kanyang trabaho. “Lahat naman tayo laging may darating na mas okay, mas okay sa ‘yo. ‘Yun ‘yung challenge sa ‘yo. Lagi mong i-sustain kung anong meron ka at ipagdasal mo rin kung ano ‘yung plano sa ‘yo ng Diyos, at saka healthy competition lang. Masasabi ko lang, time talaga ni Angeline ngayon. Kailangangan pangalagaan ko lang kung ano’ng meron ako.”

Kim Chiu gets her high school diploma

Kahapon ay isang very special event ang dinaluhan ni Kim Chiu, ang kanyang high school graduation na ginanap sa Tanghalang Balagtas ng Folk Arts Theater. Kasama ni Kim na nag-graduate ang iba pang alternative learning students sa buong Manila. Naging speaker din ang teleserye princess sa nasabing event na naging very emotional during her speech. “Lagi nating tandaan na ang kahalagahan ng buhay ay hindi lang natin mararating sa ating sarili. Libre pong mangarap. Kaya sa lahat na may gustong abutin sa buhay, isipin na lang po natin na hindi imposibleng mangarap. Katulad ko, nangarap ako na magtapos ng pag-aaral kaya congratulations sa ating lahat,” naiiyak si Kim habang nagsasalita sa stage.

Dapat kasi ay 4th year high school na si Kim noon pagkatapos niyang manalo sa first teen edition ng Pinoy Big Brother. Napahinto sa pag-aaral si Kim dahil sa dami ng kanyang showbiz commitments. Minabuti ng young actress na mag-enroll sa special education na ino-offer ng DepEd at naging matagumpay naman si Kim sa kanyang pag-aaral.

“Ang sarap ng pakiramdam, ayan na siya. Ang tagal ko nang gustong maka-graduate. Ito talaga yung pangarap sa akin ng lola ko na bago ako pumasok sa showbiz makatapos ako kahit high school man lang, eto na, may gift na ako sa kanya. Hindi naman biro yung showbiz to education, tapos ang baba ng tingin sa akin ng mga tao. Kapag artista ka, easy money kaya di na sila nag-aaral. Sinasabi ang bobo, walang pinag-aralan pero ang gusto kong ipakita ay nag-aaral din naman kami, may mga pangarap din kami na makapagtapos,” emosyonal na pahayag ni Kim.

Paano nga ba pinagsabay ni Kim ang showbiz at ang pag-aaral? “Kapag dinner break, aral na lang. Pagkatapos ko basahin ang script, babasa naman ako ng lessons ko. Kapag walang work ay nag-aaral ako para sa exam,” kuwento pa ng aktres. Gusto raw ni Kim kumuha ng business course sa college dahil pangarap din niyang magtayo ng iba’t ibang business someday.

Kathryn Bernardo: ‘Worth it naman po ‘yung sampal at sabunot’

Kathryn Bernardo, who plays Mara in the hit teleserye Mara Clara, said that although she is proud of their program’s huge success, she makes sure that she still keeps her feet on the ground. “Hindi ko naman nilalagay ‘yung success sa ulo ko. Thankful lang po kami [like] ‘yung directors, ‘yung co-stars ganyan maganda po ‘yung naging results. Maraming maraming salamat po sa mga walang sawang sumusporta sa Mara Clara gabi-gabi. Sana patuloy n’yo pa ring suportahan hanggang sa huli dahil sigurado pong marami kayong dapat aabangan dahil maraming twists na magaganap,” said Kathryn.

Asked if she finds the physical requirements for her role difficult, Kathryn replied smiling, “Worth it naman po ��yung sampal at sabunot.”

She continued, “Actually ‘yun po ‘yung gusto talaga namin, ‘yung masakit para po ma-motivate po kaming dalawa [ni Julia] (Montes, who plays Clara). Pero ‘pag naman po cut na back to Kathryn and Julia na kami. ‘Pag lang po take tsaka po kailangan naming gampanan ‘yung Mara at Clara. Minsan nga ‘pag mahina [sinasabi ko] ‘Lakasan mo pa!’ para ma-motivate talaga ako kasi ‘yun talaga ‘yung gusto namin. Kahit po kay Tita Dimples (Romana), Ms. Gina (Pareno) gusto po talaga namin ‘yung totoo.”

The actress also said that she already saw the video of a young girl, who cried so hard while she was watching the episode when Mara supposedly got killed in an explosion. She explained that she was surprised to see how deeply affected the girl was but she was flattered at the same time with the fan’s attachment to Kathryn’s role. “Hindi ko po in-expect na ‘yung mga tao talagang ganun po talaga napamahal si Mara sa kanila.”

Kathryn also shared that she is planning to make a video for the young girl so she can she can thank the avid fan, who resides in Chicago, USA and who is named Pamela. “Plan ko pong gumawa ng video para sa kanya para i-thank ko po siya tapos para i-comfort ko po baka hanggang ngayon depressed pa rin siya sa pagkamatay ni Mara,” said the young actress.

To the avid viewers of Mara Clara, who are still wondering if the character of Mara already died, Kathryn explained, “Sa mga nagtatanong po sa akin sa Twitter, sa Facebook kung ano po talaga ang nangyari kay Mara ngayong week po malalaman n’yo na ang nangyari kay Mara: kung namatay po ba siya o buhay. Kaya abangan n’yo po ‘yan sa Mara Clara.”

Gerald Anderson admits Kim Chiu was his first love

Gustuhin man daw niyang sagutin na sana nga ay in love siya ngayon, sinabi ni Gerald Anderson sa The Buzz na single siya. “How much na gusto kong sagutin na yes but sa ngayon, I’ll wait for the right time, ‘pag andyan siya. We’ll see but sa ngayon, no (I’m not in love). There’s nothing to keep quiet (about). Sa ngayon no po,” paglilinaw ng action drama prince. Pero naging mabilis ang sagot ni Gerald na handa na raw siyang ma-in love.

Nang itanong naman ang kanyang greatest romantic love, sinabi ni Gerald na masyado malalim ang term greatest romantic love dahil 22 years old pa lamang siya. “First love siyempre ho si Kim (Chiu). She was my first love,” dahilan upang maghiyawan ang mga tao sa studio.

Sa kanyang upcoming movie na Catch Me, I’m In Love, makakapareha ni Gerald ang Pop Princess na si Sarah Geronimo na sinabi niyang nagiging close friend na niya. Nang itanong ni Boy Abunda kung ano sa tingin ng aktor ang magiging status nila ni Sarah a year from now, ang safe na sagot ng aktor, “Sana tuloy-tuloy ang friendship namin kasi sobrang nagiging close na kami sa movie. Kahit sa family niya, kay Mommy Divine, si Daddy (Delfin). Sana tuloy-tuloy ang friendship.” Binigyan pa si Gerald ng follow-up question ni Boy kung may pag-asa bang maging sila ni Sarah in the future pero pa-safe talaga si Gerald. “We’ll see. Ang tawag ko nga sa movie namin kilig experience.”

Tinanong din ni Boy si Gerald kung ano ang mas pipiliin niya, special someone o new project. Mas gugustuhin daw sana ni Gerald ay sabay.

Isa sa mga pinakasikat na aktor ngayon si Gerald pero sinabi ng binata na marami pa siyang gustong makamit sa kanyang buhay. “Andami ko pang gustong ma-expereince. Gusto ko mag-travel, gusto ko maraming projects to inspire ang mas maraming people. Andami ko pang gustong gawin.” Nang tanungin ang kanyang ideal age para magpakasal, sinabi ni Gerald na pagsapit daw ng edad 30 hanggang 32 anyos.

Matteo Guidicelli reveals he is dating Maja Salvador

Sobrang excited ang aspiring actor na si Matteo Guidicelli sa kanyang upcoming movie with Sarah Geronimo at Gerald Anderson, ang Catch Me, I’m In Love na magbubukas sa mga sinehan this March 23. Ito kasi ang first-ever movie ni Matteo. “That’s why I’m so thankful sa Star Cinema tapos makatabaho mo si Sarah at Gerald dito, it’s a wonderful blessing and a dream come true,” anang aktor sa The Buzz kahapon.

Ang role ni Matteo sa nasabing pelikula ay best-friend ni Sarah at magiging karibal ni Gerald. Ikinukumpara nga ngayon si Matteo kay Gerald at sinabing siya ang threat sa action-drama prince. Pero paliwanag ni Matteo, “Gerald has his own magic, he is a great person, great actor, great performer and ayokong mag-compete sa kanya. He’s really good at what he does, he’s really cool.”

Isa pang isyu kay Matteo ay ang tungkol sa kasamahan na si Sarah dahil ginamit lang daw niya si Sarah para sumikat. Matatandaang inamin noon ng Italian-Filipino actor na malaki ang paghanga niya sa Pop Princess. Pero nilinaw ni Matteo na noon pa man ay sinabi na niyang ayaw niyang gumamit ng sino man para sumikat. Hindi rin niya itinanggi na nang mag-concert si Sarah sa Cebu ay lumipad pa papunta doon si Matteo para mapanuod lang ang singer-actress. “I look up to Sarah so much. When you see her, she’s a normal person, very humble, very sweet. But when you see her on stage, iba si Sarah, parang wow!”

Sinagot din ni Matteo ang isyung pagkaka-link niya ngayon kay Maja Salvador. Sinasabing mag-on na raw ang dalawa pero itinanggi ito ni Maja sa kanyang mga interviews. Sinabi naman ni Matteo sa The Buzz na single siya pero nagdi-date sila ni Maja. “I’m concentrating on work now. I’m very close to someone (Maja). It’s inspiring me, but I’m not officially (in a relationship with her),” paglilinaw niya.

Bukod pa sa Catch Me, I’m In Love, kasama rin si Matteo sa noontime show na Happy Yipee Yehey at nakatakdang gumawa ng teleserye with Kim Chiu. Aminado siyang kulang siya sa oras sa sarili pero thankful siya sa dami ng proyekto. “Konti (ang time sa sarili) pero nae-enjoy ko talaga kahit wala na akong time sa sarili ko. Okay na ‘yon,” paniniyak ni Matteo.