Orchid Lois dot Com

July 23, 2009

Annabelle Rama preempts Pardo family’s move to file complaint against Richard Gutierrez

http://www.pep.ph/news/22566/%20(UPDATED)-FIRST-READ-ON-PEP%20%20:%20-Annabelle-Rama-preempts-Pardo-family%27s-move-to-file-complaint-against-Richard-Gutierrez

Kahapon, July 23, nakatanggap ng impormasyon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na magsasampa ng reklamo ang pamilya ni Nomar Pardo, partikular na ang asawa nitong si Lorayne, laban sa aktor na si Richard Gutierrez.

Si Nomar ang personal assistant ng aktor na nasawi sa vehicular accident na naganap noong May 22 sa Silang, Cavite. Si Richard ang nagmamaneho ng Nissan GTR sports car nang mangyari ang aksidente.

Ang biyuda ni Nomar na si Lorayne ay nagsampa ng criminal complaint laban kay Richard for “reckless imprudence resulting to homicide” sa Office of the Provincial Prosecutor sa Imus, Cavite. Pero nakarating na nga kay Annabelle Rama ang balita, at siya na rin mismo ang nagkumpirma nito sa media.

Sa birthday celebration at 40th day ng pagkamatay ng talent manager na si Douglas Quijano kagabi, July 23, sa Club Filipino, Greenhills, San Juan, ay nagbigay ng statement si Annabelle tungkol sa pagsasampa ng reklamo ng mga Pardo laban sa kanyang anak.

Ayon kay Annabelle, “handang-handa” na raw sila kung sakali.

“Alam ko naman na ano lang sa amin, e, parang blackmail,” sabi ni Annabelle. “Ang masasabi ko, mahusay ang pag-uusap nila [Richard and Nomar’s family]. Actually, wala na kaming karapatan dahil aksidente, di ba? Ang anak ko nag-promise kay Nomar na kung ano ang mangyayari sa kanya in the future, maaalala niya mga anak niya.

“Mahabang istorya, sa korte na lang tayo magkita,” pahabol pa ng ina ni Richard.

Nang tanungin siya tungkol sa kanyang nararamdaman, ang nasambit ng ina ni Richard ay: “Traydor! Traydor!”

Dagdag pa niya, “Lalaban ba sila? Lalaban kami. Maski saan, lalaban kami!”

Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa raw nakakarating kay Richard ang tungkol sa demanda. Ani Annabelle, “Sasabihin ko pa lang sa kanya.”

Matatandaan na sinabi noong May 24 ni Annabelle sa isa sa mga panayam niya sa telebisyon na magbibigay ng tulong pinansiyal ang kanilang pamilya sa mga anak ni Nomar, isang five years old at isang three years old.

Aniya, “Yung dalawang bata, talagang kami ang magpapaaral. Pinapa-issue ko na si Richard ng check for one-year supply ng gatas, mga pagkain nila.

“Yun na nga ang nangyari dun. Sa anumang maitutulong ni Richard sa mga anak niya… Sabi ko nga sa asawa niya [Lorayne], ‘Magbibigay si Richard ng tulong, pati ako, sa mga bata lang, hindi sa ‘yo…mga bata lang. Mga damit, gatas, pangkain nila… At least, hindi sila magugutom. Nandito naman kaming dalawa, tutulong sa kanila.’ Kasi, kawawa naman ang asawa, walang trabaho, tapos maliit pa ang mga bata.”

Subalit matapos ang halos dalawang buwan, ang impormasyon na nakarating sa PEP mula sa isang taong malapit sa pamilya ng biktima ay, “hanggang ngayon, walang kasiguruhan ang mga pangakong binitawan.”

Samantala, nakatakdang magbigay ng pahayag ang pamilya ni Nomar, sa unang pagkakataon, ngayong araw na ito, July 24.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *