Orchid Lois dot Com

October 14, 2008

Anjo Yllana and Jackie Manzano Church Wedding?

Here’s another about Anjo Yllana that I must put here even though it’s old news. I have too. I am a a fan of Anjo anyway.

I made a (negative) post about Anjoy Yllana before and I want to make ‘bawi’ hehehe,

Here’s what we read sa PEP Philippines:

GETTING BACK WITH JACKIE. Kamakailan ay nabalitang nagkabalikan na sila ulit ng misis niyang si Jackie Manzano.

“Right now we’re working on it. Ah, nasabi ko kasi sa isang interbyu na hindi pa formal kasi nga we are still working on it. Although, nagkabalikan na kami.”

Gaano ba sila katagal naghiwalay ni Jackie?

“Four months,” mabilis na sagot ni Anjo. “Pero naghiwalay din kami before, mga one year. ‘Tapos naayos namin yun. So, ngayon, inaayos din namin. Kasi, gusto namin tuluy-tuloy na, yung maayos na maayos na.”

Paano naganap ang balikan nila ni Jackie?

“Wala. Ah, na-miss namin ang isa’t isa. ‘Tapos, ‘ayun, nag-usap kami kung puwede pa, ganun-ganun. Hanggang ngayon inaayos pa rin namin. Mukhang papunta naman sa maganda.”

Ano yung inaayos pa nila?

“Yung mga dating problema namin. Kaya nga kami naghiwalay dati kasi nga meron akong mga ayaw, meron siyang mga ayaw. Pero so far, okey naman. Maayos naman yung usapan namin kaya mukhang papunta na doon.”

Magkasama na raw sila ngayon ni Jackie sa isang bahay. Kaya halos wala nang problema basta’t magawa nila ang mga pangako.

“Actually, wala na, e. Kung kakayanin lang talaga namin yung mga pangako namin.”

Anu-ano ang mga pangako nila sa isa’t isa?

“Secret na lang yun, e. Secret ng mga mag-asawa.”

Sino ang unang sumuko kanino?

“Wala naman. Ah, nagsimula sa text-text. ‘Tapos usap-usap,” lahad ni Anjo.

Nagte-text pa rin sila sa isa’t kahit nung hiwalay sila?

“After a long time, yun na. Siguro na-miss namin ang isa’t isa. ‘Tapos yun nag-usap. ‘Tapos yun ang nalaman namin, hindi ko kasi alam dahil hindi kami nag-uusap. Nalaman ko na mahal pa niya ako. ‘Tapos sabi ko sa kanya ikaw pa rin ang mahal ko.”

Paano niya nalaman na mahal pa rin siya ni Jackie?

“Sinabi niya,” kasunod ang tawa ni Anjo.

Paano niya naman nasabi na mahal pa rin niya si Jackie?

“Siyempre tinanong niya rin. So, tinanong niya kung meron akong iba.”

Ano ang natutunan niya sa paghihiwalay nila ni Jackie?

“Ah, natutunan? Siguro natutunan naming ayusin yung dapat ayusin.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *