Orchid Lois dot Com

February 27, 2009

Angel Locsin Taong Grasa

Si Angel Locsin ay gaganap ng isang taong grasa sa susunod na episode ng Maalaala Mo Kaya. Isa na naman itong challenging na role para kay Angel Locsin.

Bago maging isang Taong Grasa si Angel Locsin sa episode na ito ng Maalaala Mo Kaya, siya muna ay gaganap bilang isang scholar ng University of the Philippines (UP) na naging GRO at naging baliw sa dami ng problema.

Dahil sa kanyang husay na pagganap sa isa pang episode ng Maalaala Mo Kaya (“Pilat”) marahil ito ang naging dahilan upang gumawa sya muli ng isang pang project sa MMK.

Matatandaang nabigyan si Angel ng kanyang first Best Actress award sa kanyang pagganap sa Maalaala Mo Kaya episode na “Pilat.” Ito ang tinanghal na Best Single Performance By an Actress sa 22nd Star Awards for Television na inorganisa ng Philippine Movie Press Club (PMPC)

Dahil sa isa ngang baliw ang gagampanan role ni Angel Locsin, nag request sya na magpunta sa isang mental institution upang mapag aralang mabuti ang gagawin nyang role sa palabas.

Ani Angel, “Bilang paghahanda ko sa pagbabalik ko sa MMK, natakot ako na gampanan ang isang role ng isang baliw, pero nang mabasa ko ang script ng character ni Nympha, grabe na-intriga ako kung bakit siya humantong sa ganong kalagayan. Imagine, isang UP scholar na naballiw, naiisip ko tuloy kung ano ang nagtutulak sa isang tao para mabaliw, kahirapan ba, matinding trahedya, kaya nag-immerse ako para maintindihan ko ang pinanggagalingan nila!”

Abangan ang nakakaantig na episode na ito ngayong Sabado, February 28, sa MMK.

Comments

  1. mimi says:

    idol lo siya

  2. mimi says:

    she’s great actress

  3. ivy lang-ay says:

    your so galing………super…ang simple mong actress…..kaya ang ganda mo…

  4. jona acal says:

    hi angel musta ka sa marami ka pang movie with luis manzano ang ganda ganda mo talaga i love you number one mo akong fans

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *