Hindi nai-insecure si Mark Herras kay Aljur Abrenica.
Sa pagrampa kasi ni Aljur na topless sa Cosmo Bachelor Bash kamakailan, naitanong kay Mark kung hindi ba niya nararamdaman na natalbugan na siya ni Aljur. Na dapat, mas nauna si Mark na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash dahil mas ahead siya sa showbiz kay Aljur.
“Kaya nga hindi ako sumabay ngayon sa Cosmo kasi masyado na kaming marami dun. Next year na ako. Next year kami. Kasi kapag sinabayan namin sila ngayon, masyadong maguguluhan ang GMA 7. Bata pa naman talaga ang katawan ko. Hayaan n’yo munang mag-enjoy sila ngayon kasi kapag bumongga ako, baka makalimutan nila kung sino sila.” natatawang biro ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Read the rest of this entry »
Sa nakaraang presscon ni Maja Salvador para sa isang clothing line, naungkat ang tungkol sa pagte-text nila ni Sam Milby at ang balitang muntik-muntikan na raw na panliligaw ng Fil-Am actor sa young actress.
Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Sam sa nakaraang mock-up contract signing ng Star Magic para Star Magic World Tour, na gaganapin sa November 13 sa Araneta Coliseum, agad niyang itinanggi ang nabalitang panliligaw kay Maja. Pero hindi naman niya ipinagkaila na totoong may crush siya sa young actress.
“We’re good friends naman. There are times na we hang out, but never naman nag-date or anything,” paglilinaw ni Sam. “I didn’t also make any ligaw. I just want us to be friends. And I don’t think there’s anything wrong with that.
Richard Gutierrez amazed by Christine Reyes’ beauty, here’s a story taken directly from GMANews.TV…
Ibinisto ni Annabelle Rama na nabighani ang anak niyang si Richard Gutierrez sa ganda ni Christine Reyes na leading lady ng aktor sa suspense-thriller movie na “Patient X.”
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas, sinabi ni Annabelle na nagkabulul-bulol ang kanyang anak na si Richard sa pagbitiw ng kanyang linya sa script dahil sa labis nitong humanga sa FHM Sexiest Pinay na si Christine Reyes.
“Alam busy ngayon si Richard kay Christine Reyes. Kahapon nagkabulul-bulol ang dialogue n’ya mula nang makaharap n’ya si Cristine Reyes,” sambit ni Annabelle sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Martes.
Hindi naman itinanggi ng aktor ang paghanga sa bagong kapareha.
“Kasi nga ngayon ko lang siya naka-trabaho, ngayon ko lang siya kinikilala ng husto… siyempre parang, siguro kahit sinong bigyan ng pagkakataon siguro mapapatingin kay Christine,” pahayag ni Richard.
Sa ginanap na launching FHM issue kung saan cover si Christine, halatang kinilig naman ang dalaga nang tanungin tungkol kay Richard, ayon sa ulat.